Misis ni Jeric, binahagi kung paano natutunang tanggapin ang mga anak ng mister

Misis ni Jeric, binahagi kung paano natutunang tanggapin ang mga anak ng mister

- Nakausap ni Julius Babao si Jeric Raval, ang asawa nitong si Holiday Raval at ibang anak nila sa binahaging vlog ni Julius

- Sa kanilang pag-uusap, natanong ni Julius kung paano natanggap ni Holiday ang pagiging babaero ni Jeric

- Dumating pa daw sa punto na nagkasabay-sabay manganak ang mga naging karelasyon ni Jeric

- Gayunpaman, mas tiningnan na lang daw ni Holiday ang magagandang katangian ni Jeric kaya nanatili siya sa tabi nito sa kabila ng mga nagawa nitong mali

Sa isang eksklusibong panayam ng beteranong mamamahayag na si Julius Babao sa pamamagitan ng kanyang vlog, nagbahagi ng kanyang saloobin si Holiday Raval, ang asawa ni Jeric Raval, ukol sa pagiging babaero ng kanyang mister at kung paano niya natutunang tanggapin ang mga anak nito sa iba't ibang relasyon.

Misis ni Jeric, binahagi kung paano natutunang tanggapin ang mga anak ng mister
Misis ni Jeric, binahagi kung paano natutunang tanggapin ang mga anak ng mister
Source: Youtube

Sa nasabing vlog, nakapanayam ni Julius hindi lamang si Jeric at Holiday, kundi pati na rin ang ilan sa kanilang mga anak. Isa sa mga naging tanong ni Julius ay kung paano nagawang tanggapin ni Holiday ang sitwasyon, lalo na't dumating pa sa punto na halos sabay-sabay manganganak ang mga naging karelasyon ni Jeric.

Read also

Pia Wurtzbach, nagbahagi ng bagong post suot ang ini-endorsong mamahaling kwintas

Aminado si Holiday na hindi naging madali para sa kanya ang sitwasyon. Subalit, sa kabila ng mga pagkakamali ng kanyang asawa, mas pinili niyang tignan ang magagandang katangian ni Jeric, dahilan kung bakit nanatili siya sa tabi nito. Ayon kay Holiday, natutunan niyang tanggapin hindi lamang si Jeric, kundi pati na rin ang mga anak nito sa iba.

Dagdag pa niya, may mga pagkakataon pa raw na siya mismo ang nag-alaga sa mga anak ni Jeric mula sa ibang relasyon. Isang halimbawa dito ay si AJ Raval, na anak ni Jeric kay Alyssa Alvarez. Sa kanyang mga salita, sinabi ni Holiday na sa kanya lumaki si AJ at itinuring niya itong parang tunay na anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa pagtatapos ng panayam, ipinahayag ni Holiday na ang pagtanggap at pag-unawa sa mga pagkakamali ay mahalagang aspeto ng kanilang relasyon. Sinabi rin ni Jeric na nagpapasalamat siya sa kanyang asawa sa patuloy nitong suporta at pagmamahal, sa kabila ng lahat ng nangyari.

Read also

Mark Andrew Yulo, ibinida ang paghanga kay Nesthy Petecio

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: