Pia Wurtzbach, nagbahagi ng bagong post suot ang ini-endorsong mamahaling kwintas

Pia Wurtzbach, nagbahagi ng bagong post suot ang ini-endorsong mamahaling kwintas

- Sa kabila ng mga lumabas na isyu at espkulasyon, nanatiling tikom ang bibig ni Pia Wurtzbach sa isyu

- Kaugnay ito sa post kamakailan ni Heart Evangelista na patuloy na kinokonekta pa rin kay Pia

- Nauna namang sinabi ni Heart na wala siyang pinapatamaan sa pagpapasuot niya ng mamahaling kiwntas sa aso niyang si Panda

- Sa bagong post ni Pia ay ibinida niya ang parehas na kwintas na mula sa isang mamahaling brand kung saan binigyan si Pia ng title na “Friend of the House” Bulgari

Nagpakitang-gilas muli si Pia Wurtzbach sa kanyang social media followers matapos magbahagi ng bagong post kung saan suot niya ang isang mamahaling kwintas mula sa kilalang luxury brand na Bulgari. Sa kabila ng mga lumabas na isyu at espekulasyon kamakailan, nanatiling tikom ang bibig ng Miss Universe 2015 sa usapin na patuloy na kinokonekta sa kanya.

Read also

Mark Andrew Yulo, ibinida ang paghanga kay Nesthy Petecio

Pia Wurtzbach, nagbahagi ng bagong post suot ang ini-endorsong mamahaling kwintas
Pia Wurtzbach, nagbahagi ng bagong post suot ang ini-endorsong mamahaling kwintas
Source: Instagram

Ang isyu ay may kaugnayan sa isang recent post ni Heart Evangelista, kung saan ipinakita nito ang kanyang aso na si Panda na suot ang isang mamahaling kwintas. Marami ang nagsasabing may pinapatamaan si Heart sa kanyang post, ngunit agad niyang nilinaw na wala siyang intensyon na magpahiwatig laban kanino man.

Sa bagong post ni Pia, hindi man siya nagsalita tungkol sa isyu, ibinida niya ang parehong kwintas na mula sa Bulgari, ang brand kung saan siya binigyan ng titulong "Friend of the House." Ang kanyang post ay nagpakita ng kanyang natural na elegance at style, dahilan upang muli siyang purihin ng kanyang mga tagahanga at supporters.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng mga usap-usapan, nananatiling professional si Pia sa pagtupad ng kanyang mga commitments, na pinapakita sa bawat post at endorsement. Patuloy naman ang pag-abang ng publiko sa susunod na hakbang ni Pia, lalo na’t nagiging mas mainit ang mga diskusyon ukol sa kanya at sa mga sikat na personalidad tulad ni Heart Evangelista.

Read also

Ahron Villena, nagsalita: Direktor na nang-eksploit daw sa kanya, binuking

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015. Bago siya sumali sa mga beauty pageant ay nakilala siya bilang isang aktres.

Matatandaang bumuhos ang pagbati para kina Pia at Jeremy Jauncey matapos nilang isapubliko ang kanilang engagement. Ibinahagi ng beauty queen ang ilang pictures nila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo. Hindi naman malinaw kung kailan naganap ang engagement ngunit base sa caption ni Pia, sa Amanpulo sila nag-celebrate.

Ikinasal na sina Pia at Jeremy at binahagi ito ni Pia sa pamamagitan ng isang Instagram post. Base sa kanyang post, March 24, 2023 sila ikinasal sa North Island of Seychelles. Proud na binandera ni Pia na sila ay opisyal nang sina Mr & Mrs Jauncey.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate