Darryl Yap, gusto daw i-tag si Direk Joel Lamangan sa post ni Ahron Villena

Darryl Yap, gusto daw i-tag si Direk Joel Lamangan sa post ni Ahron Villena

- Direktang tinukoy ni Darryl Yap si Joel Lamangan sa post ni Ahron Villena tungkol sa diumano'y harassment sa showbiz

- Ibinahagi ni Ahron na na-harass siya ng isang direktor sa isang proyekto noong nagsisimula pa lamang siya

- Hindi man diretsong binanggit ni Ahron ang pangalan, idinagdag ni Darryl Yap sa kanyang post na si Joel Lamangan ang tinutukoy niya

- Matagal nang may hidwaan sa pagitan nina Darryl Yap at Joel Lamangan dahil sa kanilang magkatunggaling pananaw sa pulitika at pelikula

Direktang tinukoy ni Darryl Yap si Joel Lamangan sa isang post na ibinahagi ng aktor na si Ahron Villena, na nagdulot ng kontrobersiya sa social media. Ni-reshare ni Darryl ang Instagram post ni Ahron, kung saan ibinahagi ng aktor ang kanyang masamang karanasan noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya ng showbiz.

Darryl Yap, gusto daw i-tag si Direk Joel Lamangan sa post ni Ahron Villena
Darryl Yap, gusto daw i-tag si Direk Joel Lamangan sa post ni Ahron Villena
Source: Facebook

Bagaman walang pangalan na direktang binanggit si Ahron sa kanyang post, ipinaalam ni Darryl sa kanyang re-share na si Direk Joel Lamangan ang tinutukoy niyang direktor. Sinabi ni Darryl na naunfriend na siya ni Direk Joel mula noong 2022, kaya’t hindi na niya ito matatag sa kanyang post.

Read also

Writer-director na si Ronaldo Carballo, dinepensahan si Joel Lamangan

Ang hidwaan sa pagitan nina Darryl at Joel ay matagal nang umiiral, na nagsimula noong 2022, at may kinalaman sa kanilang magkatunggaling proyekto at pulitika. Si Joel ay kilalang anti-Marcos, habang si Darryl ay pro-Marcos, at tila patuloy ang kanilang alitan hanggang sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Ahron na siya ay na-trigger na ibahagi ang kanyang karanasan dahil sa mga pahayag ng isang direktor sa isang panayam. Ang nasabing panayam ay nagsalita tungkol sa mga karaniwang insidente ng mga artista na nagpapalakas ng kanilang career sa pamamagitan ng pakikisama sa mga gay na may kapangyarihan sa industriya.

Si Joel Lamangan ay isang kilalang film at TV director, aktor, at scriptwriter sa Pilipinas. Isa siya sa mga pinakarespetadong direktor sa industriya ng pelikula at telebisyon, na kilala sa kanyang mga obra maestrang may malalim na panlipunang komentaryo. Ilan sa mga tanyag na pelikula na kanyang idinirehe ay The Flor Contemplacion Story (1995), Mano Po (2002), at Blue Moon (2006). Kilala si Lamangan sa kanyang husay sa paghawak ng mga dramang may mabibigat na tema, at madalas niyang isinasalamin sa kanyang mga gawa ang mga isyu sa lipunan at politika.

Read also

Direk Joel Lamangan, nagsalita tungkol sa kumalat na post daw niya

Naikwento ni Direk Joel kung paano niya napaiyak noon ang aktres na si Marjorie Barretto. Aniya, para umano ito sa isang eksena kung saan nahirapang umiyak noon ang aktres/ Aminado siyang napagalitan niya ito dahilan para tuluyan nang maiyak si Marjorie. Sa ngayon, isa sa kinagigiliwan sa 'FPJ's Batang Quiapo' ang karakter ni Joel bilang si Roda.

Marami ang naaaliw sa karakter na ginagampanan ni Direk Joel sa Batang Quiapo. Maging siya ay nagtataka gayung aminado siyang salbahe ang karakter niya sa serye. Naikwento niyang maging ang mga bata ay kilala siya at tinatawag siyang 'Roda.'

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate