Writer-director na si Ronaldo Carballo, dinepensahan si Joel Lamangan

Writer-director na si Ronaldo Carballo, dinepensahan si Joel Lamangan

- Dinepensahan ng writer-director na si Ronaldo Carballo si Joel Lamangan laban sa mga alegasyong may kaugnayan sa isang viral na post

- Kinumpirma ni Carballo na hindi si Direk Joel ang nagsulat ng naturang mensahe matapos niyang personal na itanong ito sa direktor

- Binatikos ni Carballo ang mga taong gumagamit ng Facebook account ni Lamangan para sa maling impormasyon

- Hinimok ni Carballo si Ahron Villena na itigil na ang pakikisawsaw sa isyu at paggamit ng pangalan ng iba para lamang mapag-usapan

Dinepensahan ng writer-director na si Ronaldo Carballo si Joel Lamangan laban sa mga alegasyon na siya ang nasa likod ng isang viral na post na naglalaman ng mensaheng tila patama kay Ahron Villena. Ayon kay Carballo, agad niyang nalaman na hindi si Direk Joel ang nagsulat ng naturang post matapos niya itong mabasa.

Writer-director na si Ronaldo Carballo, dinepensahan si Joel Lamangan
Writer-director na si Ronaldo Carballo, dinepensahan si Joel Lamangan
Source: Facebook

"Pagkabasa ko nito, alam ko nang HINDI SI DIREK Joel Lamangan ito. Hindi siya ganito magsalita," pahayag ni Carballo. Para tiyakin ang kanyang hinala, personal niyang kinumpirma ito kay Direk Joel, at totoo ngang itinanggi ni Lamangan na siya ang may gawa ng nasabing post.

Read also

Direk Joel Lamangan, nagsalita tungkol sa kumalat na post daw niya

Binatikos din ni Carballo ang mga taong gumagamit ng Facebook account ni Lamangan para sa iba't ibang kalokohan at maling impormasyon. Aniya, "Please stop putting words at Direk Joel's mouth! Hindi para patulan pa niya ang starlet na ito."

Sa kanyang mensahe, hinimok din ni Carballo si Ahron Villena na itigil na ang pakikisawsaw sa isyu at ang paggamit sa pangalan ng ibang tao para lamang mapag-usapan. Ayon kay Carballo, wala umanong mapapala si Villena sa ganitong klase ng pagkilos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Joel Lamangan ay isang kilalang film at TV director, aktor, at scriptwriter sa Pilipinas. Isa siya sa mga pinakarespetadong direktor sa industriya ng pelikula at telebisyon, na kilala sa kanyang mga obra maestrang may malalim na panlipunang komentaryo. Ilan sa mga tanyag na pelikula na kanyang idinirehe ay The Flor Contemplacion Story (1995), Mano Po (2002), at Blue Moon (2006). Kilala si Lamangan sa kanyang husay sa paghawak ng mga dramang may mabibigat na tema, at madalas niyang isinasalamin sa kanyang mga gawa ang mga isyu sa lipunan at politika.

Read also

Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, agaw-pansin

Naikwento ni Direk Joel kung paano niya napaiyak noon ang aktres na si Marjorie Barretto. Aniya, para umano ito sa isang eksena kung saan nahirapang umiyak noon ang aktres/ Aminado siyang napagalitan niya ito dahilan para tuluyan nang maiyak si Marjorie. Sa ngayon, isa sa kinagigiliwan sa 'FPJ's Batang Quiapo' ang karakter ni Joel bilang si Roda.

Marami ang naaaliw sa karakter na ginagampanan ni Direk Joel sa Batang Quiapo. Maging siya ay nagtataka gayung aminado siyang salbahe ang karakter niya sa serye. Naikwento niyang maging ang mga bata ay kilala siya at tinatawag siyang 'Roda.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate