Direk Joel Lamangan, nagsalita tungkol sa kumalat na post daw niya

Direk Joel Lamangan, nagsalita tungkol sa kumalat na post daw niya

- Nilinaw ni Direk Joel Lamangan na hindi siya ang nag-post ng viral na mensahe na naglalaman ng kanyang pangalan

- Ipinahayag ni Lamangan na ang naturang post ay gawa ng isang poser o scammer

- Pinaalalahanan ng kaibigan niyang si Dennis Evangelista na hindi nagpopost si Direk Joel ng ganitong klaseng mensahe

- Sinuri ni Evangelista ang legit Facebook account ni Lamangan at kinumpirmang walang ganoong post ang direktor

Nilinaw ni film and TV director Joel Lamangan na ang viral post na naglalaman ng kanyang pangalan ay hindi galing sa kanya. Sa pamamagitan ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, ipinahayag ni Direk Joel na hindi siya ang nag-post ng mensahe na tila patama kay Ahron Villena, na kamakailan lamang ay nagbahagi rin ng isang pahayag laban sa isang hindi pinangalanang direktor.

Direk Joel Lamangan, nagsalita tungkol sa kumalat na post daw niya
Direk Joel Lamangan, nagsalita tungkol sa kumalat na post daw niya
Source: Facebook

Ayon kay Lamangan, "No. Hindi ako yan, poser yan, scammer!" Pinabulaanan din ng kaibigan at movie producer na si Dennis Evangelista ang naturang post. Ani Evangelista, "Hindi nagpopost si Direk (Joel). Yan yung poser niya. Hindi yan gagamit ng ganyang word. Poser yan."

Read also

Darryl Yap, gusto daw i-tag si Direk Joel Lamangan sa post ni Ahron Villena

Dagdag pa niya, "Tinignan ko legit FB (Facebook account) niya, hindi siya (nag) post niyan." Nilinaw nila na walang kinalaman si Lamangan sa naturang viral post at pinaalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat online.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Joel Lamangan ay isang kilalang film at TV director, aktor, at scriptwriter sa Pilipinas. Isa siya sa mga pinakarespetadong direktor sa industriya ng pelikula at telebisyon, na kilala sa kanyang mga obra maestrang may malalim na panlipunang komentaryo. Ilan sa mga tanyag na pelikula na kanyang idinirehe ay The Flor Contemplacion Story (1995), Mano Po (2002), at Blue Moon (2006). Kilala si Lamangan sa kanyang husay sa paghawak ng mga dramang may mabibigat na tema, at madalas niyang isinasalamin sa kanyang mga gawa ang mga isyu sa lipunan at politika.

Read also

Writer-director na si Ronaldo Carballo, dinepensahan si Joel Lamangan

Naikwento ni Direk Joel kung paano niya napaiyak noon ang aktres na si Marjorie Barretto. Aniya, para umano ito sa isang eksena kung saan nahirapang umiyak noon ang aktres/ Aminado siyang napagalitan niya ito dahilan para tuluyan nang maiyak si Marjorie. Sa ngayon, isa sa kinagigiliwan sa 'FPJ's Batang Quiapo' ang karakter ni Joel bilang si Roda.

Marami ang naaaliw sa karakter na ginagampanan ni Direk Joel sa Batang Quiapo. Maging siya ay nagtataka gayung aminado siyang salbahe ang karakter niya sa serye. Naikwento niyang maging ang mga bata ay kilala siya at tinatawag siyang 'Roda.'

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate