Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo sa bagong TikTok nito: "Humanda ka sa akin pag uwi ko!"

Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo sa bagong TikTok nito: "Humanda ka sa akin pag uwi ko!"

- Muling nagpasaya si Dennis Trillo sa TikTok sa kanyang nakakatawang dance cover ng "Maybe This Time"

- Ginamit ni Dennis ang song cover ng kanyang asawang si Jennylyn Mercado mula sa album na "Love Is"

- Nakita si Jennylyn na natutulog sa background habang ginagawa ni Dennis ang viral dance challenge

- Nagkomento si Jennylyn na biniro si Dennis na "Humanda ka sa akin pag-uwi ko"

Muling nagbigay ng aliw ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa kanyang mga tagahanga matapos sumali sa trending na "Maybe This Time" dance craze sa TikTok. Sa pagkakataong ito, sinama niya ang kanyang asawa na si Jennylyn Mercado sa nakakatawang dance cover.

Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo sa bagong TikTok nito: "Humanda ka sa akin pag uwi ko!"
Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo sa bagong TikTok nito: "Humanda ka sa akin pag uwi ko!"
Source: TikTok

Ang "Pulang Araw" actor ay kinagiliwan ng marami sa kanyang viral dance challenge, kung saan ginamit niya ang song cover ng "Maybe This Time" mula sa album ni Jennylyn na Love Is na inilabas noong 2010. Nakakatawa rin ang eksena dahil makikitang fast-asleep si Jennylyn sa background habang kinukunan ni Dennis ang video.

Read also

Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, agaw-pansin

Sa caption ng kanyang post, biniro ni Dennis ang kanyang mga tagahanga gamit ang isang linya mula sa klasikong kanta, "Waiting for this Magic Moment!" Dagdag pa niya, "Pwede ko daw gawin, basta itong version ang gagamitin."

Samantala, hindi rin pinalampas ni Jennylyn ang pagkakataon at nagkomento sa TikTok post ng kanyang asawa. Biniro ng Kapuso actress si Dennis ng, "Humanda ka sa akin pag-uwi ko!!!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ngayon, umabot na sa 11.7 million views ang video ni Dennis, na mayroon nang higit sa 1.1 million likes.

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser. Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Read also

Angel "Conrado" Sangalang ng singing Trio na Miss Tres, pumanaw na

Kinaaliwan si Dennis Trillo sa kanyang kakulitan sa kanyang mga TikTok videos. Sa kanyang ibinidang video kung saan gumamit siya ng 'Manny Pacquiao filter, kinanta pa niya ang isang linya ng awitin ng Pambansang Kamao. Sa isa pa niyang TikTok video ay ginamit naman niya sa kanyang anak na si Dylan ang naturang filter. Maririnig naman sa video na hindi mapigilan ng misis niyang si Jennylyn na matawa sa kanyang ginawa.

Ibinahagi ni Jennylyn Mercado ang ilang throwback pictures mula sa kanyang ika-18 kaarawan. Makikita sa mga ito na naroroon ang kanyang asawang si Dennis Trillo na nakasayaw pa niya. Nakalagay sa isa sa kanyang mga post na tila maging siya ay hindi naisip na ito ang kanyang makakatuluyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate