Carlo Aquino, ibinida ang picture nila ng anak niyang si Mithi

Carlo Aquino, ibinida ang picture nila ng anak niyang si Mithi

- Binahagi ni Carlo Aquino ang sweet na picture nila ng anak niyang si Enola Mithi Aquino

- Sa kanyang post sa Instagram, binahagi din ni Carlo ang kanyang mensahe tungkol sa pagiging ama niya kay Mithi

- Aniya, lumpias man ang panahon, mananatiling baby niya si Mithi

- Makikita naman na nilagay din ni Carlo ang photo credit kung saan nakalagay ang pangalan ng kanyang asawang si Charlie Dizon

Ibinahagi ni Carlo Aquino ang sweet na mga litrato kasama ang kanyang anak na si Enola Mithi Aquino sa kanyang Instagram account. Sa nasabing post, makikita ang mag-ama na nakangiti at masayang-masaya.

Carlo Aquino, ibinida ang picture nila ng anak niyang si Mithi
Carlo Aquino, ibinida ang picture nila ng anak niyang si Mithi
Source: Instagram

Kalakip ng litrato ang isang mensahe mula kay Carlo kung saan ipinaabot niya ang kanyang pagmamahal bilang ama kay Mithi. “The days, the weeks, the months will fly....But you will always be my little princess..,” ani Carlo sa caption ng kanyang post, na tila nagsisilbing paalala na kahit gaano man kalaki o tumanda ang kanyang anak, mananatiling espesyal at mahalaga ito sa kanyang buhay.

Read also

Deborah Sun, binihaging na-diagnose siyang may colon cancer

Hindi rin nakalimutan ni Carlo na banggitin ang kumuha ng litrato, na walang iba kundi ang kanyang asawang si Charlie Dizon. Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng paglalagay ng photo credit sa ilalim ng litrato, kung saan nakalagay ang IG handle ni Charlie. Isang simple ngunit makabuluhang pagkilala sa suporta at pagmamahal ng kanyang asawa sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mithi ay anak ni Carlo sa kanyang unang karelasyon na si Trina Candaza. Bagamat hindi nagtagal ang kanilang relasyon, marami ang natuwa at humanga sa maayos na co-parenting na ipinapakita ng dalawa para sa kanilang anak. Ipinapakita nito na kahit pa man naghiwalay ang mga magulang, maaari pa ring maging masaya at buo ang isang pamilya sa kabila ng lahat.

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Read also

Jerald sa mga magulang ni Kim Molina: "Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim"

Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic.

Matatandaang unang namataan si Carlo kasama ang si Charlie sa isang restaurant sa La Union. Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa. Matatandaang nauna na ring nagbahagi ng picture si Charlie ng picture kung saan kasama niya si Carlo habang kasama ang mga kaibigan ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate