Ogie Diaz, may payo sa mga akusado sa umano'y kontrobersiya ni Sandro Muhlach

Ogie Diaz, may payo sa mga akusado sa umano'y kontrobersiya ni Sandro Muhlach

- May payo si Ogie Diaz sa mga akusado sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Sandro Muhlach

- Aniya, nais pa rin niyang marinig ang panig ng dalawa

- May paalala rin siya patungkol sa impresyon ng mga tao sa mga 'paiba-iba ng sinasabi'

- Matatandaang isa si Ogie Diaz sa umano'y unang naglabas ng sinasabing nangyari kay Sandro sa gabi matapos ang GMA gala noong Hulyo

Nausisa ni Aiko Melendez si Ogie Diaz kung ano ang masasabi nito sa dalawang akusado na sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz.

Ogie Diaz, may payo sa mga akusado sa kontrobersiya ni Sandro Muhlach
Ogie Diaz, may payo sa mga akusado sa kontrobersiya ni Sandro Muhlach (Aiko Melendez YouTube)
Source: Youtube

Ani Ogie, mainam na magsabi na ang mga ito ng katotohanan.

"Ang stand ko 'dun, I believe. Naku, may I believe, ako naniniwala ako na gusto ko paring marinig yung dalawang sangkot si Jojo Nones at Richard Dode ang kanilang eksplenasyon. 'Dun naman sa partido ni Sandro Muhlach, consistent yung mga kwento kasi. Hindi nagbabago ng narrative. E dito kasi kina Jojo Nones at Richard Dode nag-iiba iba sila ng statement. Syempre alam mo na."

Read also

Ogie D sa nakiusap na 'wag ilabas ang kanyang kwento: "'Di naman sa nakikipag-unahan ako"

"Merong perception yung tao o impression 'yung tao na 'pag paiba-iba ng statement at yung isa consistent. Kaya dapat very very clear kung ano 'yung narrative nila. I don't want to judge them pero 'yun na nga. Na-highblood na si Senator Jinggoy Estrada kasi feeling niya nagsisinungaling. Hindi ko naman sila personal na kilala e para i-judge 'yung dalawa pero sana lang consistent 'yung mga kwento"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Giit pa rin ni Ogie ang kaototohanan sa kung anuman ang nangyari sa kanila nina Sandro.

"Ang kaya kong ipayo sa kanila, you tell the truth. You speak of truth, it will set you free."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Aiko Melendez YouTube:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Ogie Alcasid, umalma sa fake news tungkol sa pagsasama nila ni Regine Velasquez

Isa sa mga maiinit na unang naibalita kamakailan ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa umano'y isyu nina Sandro Muhlach at sa dalawang independent contractor ng GMA.

Sa isa sa mga episodes ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie na gusto na umanong dumulog ng biological mother ni Sandro Muhlach kay Senator Raffy Tulfo sa kasagsagan ng isyu. Sa ngayon, dinidinig na umano ito sa senado kung saan ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ang nagsampa ng reklamo at humaharap sa senado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica