Ogie Diaz sa JoshLia sa bago nilang pelikula: " Magaling din si Julia 'dun"

Ogie Diaz sa JoshLia sa bago nilang pelikula: " Magaling din si Julia 'dun"

- Nilinaw ni Ogie Diaz ang kanyang naging pahayag kamakailan ukol sa bagong pelikula ng JoshLia

- Tila marami umano ang tila namisinterpret ang pagpuri niya kay Joshua Garcia

- Gayunpaman, binati niya ang dalawa sa tagumpay ng kanilang pelikula sa loob lang ng apat na araw

- Naikumpara rin ni Ogie ang bagong pelikulang ito sa pumatok ding pelikula ng JoshLia, ang Love you to the stars and back

Agad na nilinaw ni Ogie Diaz ang naging komento niya kamakailan kina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ogie Diaz sa JoshLia sa bago nilang pelikula: " Magaling din si Julia 'dun"
Ogie Diaz sa JoshLia sa bago nilang pelikula: " Magaling din si Julia 'dun" (@garciajoshuae)
Source: Instagram

Ito ay kaugnay sa bago nilang pelikulang "Unhappy for you" na kasalukuyang ipinalalabas sa mga sinehan.

Sa isang post ni Ogie kung saan naibahagi niya ang update ng kinita ng pelikula, nalagyan niya ito ng caption na "mahusay ang mga artista, lalo na si @garciajoshuae!"

Marami ang napa-react lalo na ang mga tagahanga ng kapareha ni Joshua na si Julia na tila si Joshua lang umano ang pinuri ni Ogie.

Read also

Cynthia Carrion, binahagi ang naging plano ni Chloe San Jose na family dinner

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Namisinterpret yata ng iba. Kasi nasabi ko dun sa isang post ko na mahusay ang mga artista lalo na si Joshua Garcia," ani Ogie.

"Magaling naman si Julia. Syempre ako lang laging napapaiyak ni Joshua Garcia," paglilinaw pa niya.

"Magaling din si Julia. Magaling din si Julia 'dun. Kaya lang masyado lang akong nakatuon lagi kay Joshua e."

Nagbigay komento rin siya patungkol mismo sa pelikula na naikumpara rin niya sa tumabo rin sa takilya na pelikula ng JoshLia ang 'Love you to the stars and back.'

"Ako naman, parang medyo nahabaan lang ako pero okay naman din. Mas nakapagpaiyak sa'kin 'yung Love you to the stars and back... Palahaw talaga ako sa iyak, ang husay nila pareho doon."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Juliana, may payo kay Diwata: "dapat hindi natin ipinagdadamot ang isang simpleng ngiti"

Si Julia Barretto ay isang aktres sa Pilipinas. Anak siya ng mga artistang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Minsan na rin niyang nakarelasyon si Joshua Garcia at sa kasalukuyan, nobyo niya ang aktor na si Gerald Anderson.

Noong Pebrero 9, masayang ibinahagi ni Dennis Padilla ang birthday greeting sa kanya ng anak na si Julia. Walang pagsidlan ng kasiyahan si Dennis gayung matagal na panahon niyang hinintay na magparamdam muli sa kanya ang anak.

Kasalukuyang mapapanood sa mga sinehan ang pelikula nina Julia at dating ka-love team at ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Ito ang comeback movie nila na "Un/happy For You" na gumulantang sa publiko ngayong 2024.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica