Willie Revillame, pinabulaanang hanggang Disyembre na lang ang 'Wil to Win'

Willie Revillame, pinabulaanang hanggang Disyembre na lang ang 'Wil to Win'

- Pinabulaanan ni Willie Revillame ang mga balitang tatagal lamang hanggang Disyembre ang kanyang variety show na "Wil to Win"

-Tiniyak niya sa mga manonood na hindi basta-basta mawawala ang programa at gagawa siya ng paraan upang ito ay magpatuloy

-Ipinaliwanag niya na ang kanyang pagdidisiplina sa mga staff on air ay para mapabuti ang programa at maiwasan ang mga pagkakamali

- Humingi siya ng paumanhin sa mga nasaktan ngunit iginiit na ang kanyang layunin ay makapagpasaya at makatulong sa mga Pilipino

Inihayag ni Willie Revillame na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanilang programa. Sa pagdiriwang ng unang buwan ng "Wil to Win," tiniyak ng TV host na hindi matatapos ang kanilang palabas sa Disyembre.

Willie Revillame, pinabulaanang hanggang Disyembre na lang ang 'Wil to Win'
Willie Revillame, pinabulaanang hanggang Disyembre na lang ang 'Wil to Win'
Source: Youtube

Sinabi ni Revillame na hindi sila papayag na basta-basta mawala ang kanilang programa. Pinagtibay niya na gagawa siya ng paraan upang magpatuloy ang palabas para sa kanilang manonood. Idinagdag pa niya na darating ang panahon na mamahalin din siya ng mga nagagalit at nayayabangan sa kanya.

Read also

Eldrew Yulo, bumuhos ang luha sa isang interview: "Gusto ko lang, mabuo tayo matagal na"

Patungkol sa kanyang mga kritiko, sinabi ni Revillame na mahal niya sila at tanggap niya ang anumang sasabihin nila. Binigyang-diin niya na mabuti ang kanilang hangarin sa programa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinaliwanag din ng TV host ang tungkol sa kanyang paminsan-minsang pagkagalit sa ere. Ayon sa kanya, hindi niya intensyon na hiyain ang kanyang staff, kundi nais lamang niyang maging maayos ang programa. Sinabi niya na nire-rehearse nila ang mga eksena at hindi dapat magkaroon ng pagkakamali.

Sa huli, humingi ng paumanhin si Revillame sa mga maaaring nasaktan. Inamin niya na tanggap niya ang pambabatikos sa kanya, ngunit binigyang-diin na malinis ang kanilang hangarin sa programa. Sinabi niyang nais niyang makapagpasaya at makatulong sa abot ng kanilang makakaya para sa bawat Pilipino.

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Geneva Cruz, bumalik sa pag-aaral: "There's no such thing as being too late"

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito.

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate