Nora Aunor, idinetalye paano siya nawalan ng boses: "Para bang sinadya"

Nora Aunor, idinetalye paano siya nawalan ng boses: "Para bang sinadya"

- Naikwento ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kung paano siya nawalan ng boses

- Aniya, nagising na lamang siyang hindi na makakantang muli

- Aminadong masakit ito para sa kanya gayong una niyang minahal ang pag-awit kaysa pag-arte

- Sa kasamaang palad, hindi na muling maibabalik pa ang dati niyang tinig

Naidetalye ng nag-iisang Superstar ng Pilipinas na si Nora Aunor kung paano dumating ang araw na nagising na lamang umano siya na wala nang boses.

Nora Aunor, idinetalye paano siya nawalan ng boses: "Para bang sinadya"
Nora Aunor, idinetalye paano siya nawalan ng boses: "Para bang sinadya" (Maricel Soriano YouTube)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa YouTube channel nito, isiniwalat ng Superstar ang umano'y totoong nangyari sa kanyang tinig.

"Kaya 'nung masira 'yung boses ko, sinira nila e. Para bang sinadya. E hanggang ngayon hindi ako nakakakanta. Nasa States ako 'nun e. May pumunta sa akin, sabing ganon. Dadalhin daw ako sa Japan kasi kukunin ako bilang mag-eendorso ng isang (facial product)... Pagdating ko doon, pinahiga ako pinatulog. Paggising ko wala na akong boses. "yun ang totoong nangyari doon. Hanggang ngayon, wala nang boses."

Read also

Barangay Kagawad, binaril ng riding-in-tandem sa harap ng sariling anak sa Quiapo

Hindi niya raw ito noon napa-operahan at ngayon, tila huli na ang lahat at hindi na raw talaga maibabalik pa ang kanyang boses kung saan siya naunang nakilala.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aminado rin ang Superstar na masakit ito para sa kanya lalo na at ang unang minahal naman niya talaga ay ang pag-awit kaysa sa pa-arte.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Nora Cabaltera Villamayor o mas kilala bilang si Nora Aunor ay ang tinaguriang Superstar ng Philippine cinema. Mula taong 1967 hanggang sa kasalukuyan, masasabing aktib pa rin ang showbiz career ni Ate Guy.

Samantala, si Maria Cecilia "Maricel" Dador Soriano naman ang nabansagang Diamond Star ng Pilipinas.Tulad ni Nora, hinangaan din si "Maria"sa husay niya sapag-arte. Katunayan, isa noong 2023, nakalahok sa Metro Manila Film Festival ang kanyang pinagbidahang pelkula na "In her Mother's Eyes."

Read also

Claudine Barretto, magsasalita sa isyu ng pera ng fans nya na diumano’y naloko

Bukod dito, aktibo rin ang Diamond Star sa kanyang YouTube channel kung saan nakakapanayam niya ang iba't ibang mga kapwa niya kilalang personalidad. Isa na rito si Kim Chiu na noo'y nausisa rin agad ni Maria ang maugong pa lang noong hiwalayan nila ni Xian Lim.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica