Heart Evangelista, Ipinasuot sa aso nya ang Bvlgari necklace na iniendorso ni Pia Wurtzbach

Heart Evangelista, Ipinasuot sa aso nya ang Bvlgari necklace na iniendorso ni Pia Wurtzbach

- Ibinahagi ni Heart Evangelista ang litrato ng kanyang Aspin na si Panda na suot ang kanyang Bvlgari necklace

- Ang Bvlgari necklace na suot ni Panda ay iniendorso ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

- Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Heart at Pia, na nag-ugat sa isyu sa glam team ni Heart

- Nagkomento ang direktor na si Darryl Yap tungkol sa post ni Heart na may halong nakaka-intrigang pahayag

Ibinahagi ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista ang litrato ng kanyang Aspin na si Panda na suot ang kanyang Bvlgari necklace, na minsang isinusuot ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang bagong ambassador ng naturang jewelry brand.

Heart Evangelista, Ipinasuot sa aso nya ang Bvlgari necklace na iniendorso ni Pia Wurtzbach
Heart Evangelista, Ipinasuot sa aso nya ang Bvlgari necklace na iniendorso ni Pia Wurtzbach
Source: Instagram

Alam ng maraming tagahanga ng showbiz at fashion na nagkaroon ng tahimik na tensyon sa pagitan nina Heart at Pia. Ang kasalukuyang glam team ni Pia ay dati nang nagtrabaho kay Heart.

Read also

Grade 10 na dalagita, natagpuan patay sa tubuhan matapos mawala noong July 29

Ilang buwan na ang nakalilipas, si Pia ay itinalaga bilang bagong brand ambassador ng Bvlgari sa Pilipinas. Ibinahagi ng Vogue Philippines ang isang litrato ni Pia Wurtzbach na suot ang sikat na Serpenti necklace at iba pang mga alahas ng brand.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kamakailan lamang, ibinahagi ni Heart Evangelista ang mga litrato ng kanyang alagang aso na suot ang kanyang Serpenti necklace. "Heiress @pandaongpaucoescudero," ang isinulat niya sa caption ng kanyang post. Ito ay nagdulot ng mga nakakaaliw na reaksyon mula sa mga netizen at kapwa celebrities. Nagkomento si Mariel Padilla ng, "Playtime!!! Hahahaha," habang si Carla Abellana naman ay nagsabi ng, "Oh my goodness, the necklace."

Ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang screenshot ng post ni Heart na ipinakita ang mamahaling kwintas na suot ng kanyang aso. Sinabi ng direktor na bago siya matulog ay nakita niya ang post ni Heart na ipinapasuot sa kanyang aso ang Bvlgari necklace na iniendorso ni Pia.

Read also

Carlos Yulo, may mensahe sa ama matapos niyang makita ito sa Heroes' parade

“Ako’y sigurado na nagkataon lang ito at walang kinalaman sa away nila at sa gulo sa dating team ni Heart na ngayon ay na kay Pia,” dagdag pa ng direktor na may halong intrigang pahayag.

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate