Peraphy contestant na si Angelito, naglabas ng sama ng loob sa mga aniya'y taong walang respeto
- Nagpakita ng kakaibang kilos si Angelito Calida, isang contestant sa Eat Bulaga, habang nasa segment na 'Peraphy'
- Lumayo si Calida mula sa mga host at nagtungo sa kabilang bahagi ng entablado habang nasa gitna ng laro
- Nilapitan ni Calida si Singing Queen Anne at tinangkang akbayan kaya't agad kumilos ang mga host at tumawag ng marshalls
- Sa kanyang Facebook account ay naghayag ng saloobin niya si Angelito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nag-viral sa social media si Angelito Calida, isang contestant ng Eat Bulaga, matapos magpakita ng kakaibang kilos habang nasa segment na 'Peraphy.' Kasunod nito, naghayag siya ng sama ng loob sa kanyang Facebook page, kung saan inilahad niya ang kanyang nararamdaman matapos ang insidente.
Ayon kay Calida, naramdaman niyang walang respeto ang ilang tao sa kanyang kondisyon noong siya ay nasa programa. Sinabi niyang, "Mga wala talagang respeto sa buhay at hindi matitinong tao kahit hindi ok ang condition ng pinapanood na contestant. Salamat sa pagpapahiya. Pag kayo kaya, iiyak lang."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bukod dito, nagpasalamat din siya sa mga kaibigan at tagasuporta niya. Aniya, "To all my friends and my supporters, wag na po kayo mag-alala. Di ko na pinapakialaman at binabasa ang mga basher. Ok lang me. Wish na maging blessed po ang araw-araw nyo."
Nabanggit din ni Angelito na kaba at babad sa aircon ang dahilan ng kanyang naging kilos.
Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Ito ay blocktimer sa GMA network at ang TAPE Inc. ang producer nito. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.
Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh