Gerald Santos, binunyag ang pangmomolestya sa dating TV network: 'Move on? Hindi ganun kadali'
- Trending sa X si Gerald Santos matapos magsalita tungkol sa naranasang pangmomolestya sa dating TV network
- Sinumbatan ni Gerald ang mga netizen na nagsasabing mag-move on na siya at tila nakikisabay sa paglantad ni Sandro Muhlach
- Binatikos ni Gerald ang mga mapanghusgang tao na nagiging dahilan ng takot ng mga biktima na magsalita
- Hangad ni Gerald na magkaroon ng mas mahigpit na patakaran ang network upang maprotektahan ang mga baguhang artista
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang vlog, sinabi ni Gerald na sinisisi siya ng ilang mga netizen at pinapayuhan siyang mag-move on na raw dahil matagal na ang isyu, at tila nakikisabay lang siya sa paglantad ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach na nagreklamo laban sa GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ayon kay Gerald, ang ganitong mga pananaw ang dahilan kung bakit natatakot ang mga biktima na magsalita at isiwalat ang katotohanan. Dagdag pa niya, ganoon din ang sinabi sa kanya ng mga executives ng isang TV network nang ireklamo niya ang naranasan niyang pangmomolestya mula sa isang empleyado.
Sinabi rin ni Gerald na sana ay gumawa ng mas mahigpit na mga patakaran ang network para maprotektahan ang mga baguhang artista. Dagdag pa niya, matapos siyang magreklamo sa pamunuan ay siya pa ang nawalan ng mga projects. Na-ban daw siya sa network na kanyang tinutukoy.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Payo ni Gerald sa mga baguhang artist, maging matapang na harapin at ipaalam sakaling may mangyari na kagaya sa nangyari sa kanya.
Matatandaang nakisimpatya si Gerald kay Sandro sa pamamagitan ng isang Facebook post. Samantala, wala pang tugon o pahayag ang pamunuan ng GMA Network patungkol sa mga alegasyon na ito.
Si Gerald Santos ay isang kilalang mang-aawit, aktor, at performer sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang kasikatan nang manalo siya sa ikalawang season ng reality talent show na "Pinoy Pop Superstar" noong 2006. Dahil sa kanyang tagumpay sa kompetisyon, nakilala siya bilang "The Prince of Ballad" sa industriya ng musika.
Matatandaang nakatanggap ng formal complaint ang GMA Network mula kay Sparkle artist Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng network. Ayon sa GMA, nagsagawa na sila ng kanilang sariling imbestigasyon bago pa man magreklamo si Muhlach.
Pinangalanan ng GMA Network sina Jojo Nones at Richard Cruz bilang mga sangkot sa inerereklamo ni Sandro. Natanggap na ng GMA Network ang pormal na reklamo ni Sandro laban kina Nones at Cruz.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh