Ice at Liza, 'Di nagpahuli sa "Salamin, salamin" dance craze

Ice at Liza, 'Di nagpahuli sa "Salamin, salamin" dance craze

- Maging ang mag-asawang sina Ice Seguerra at Liza Diño ay napasabak na rin sa pagsasayaw ng "Salamin, salamin" ng BINI

- Makikita sa isang video ni Ice kung paanong inaral ng mag-asawa ang sikat na sayaw ngayon

- Matatandaang ilang celebrities na rin ang nagbahagi ng video nila kung saan sinasayaw din ito

- Isa nga rito ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina sa mga masasabing fan ng BINI

Kinagiliwan ng netizens ang video ng mag-asawang sina Ice Seguerra at Liza Diño na game na game na sumasayaw ng "Salamin, salamin" ng BINI.

Ice at Liza, 'Di nagpahuli sa "Salamin, salamin" dance craze
Ice at Liza, 'Di nagpahuli sa "Salamin, salamin" dance craze (@iceseguerra)
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi ni Ice, makikitang sabay sila ni Liza na inaaral ang bawat step nito.

"The BINI-fication of Ica and Liza. Eyy ka muna eyy!" ang caption ni Ice sa naturang post.

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Read also

Carlos Yulo, makatatanggap ng fully-furnished condo unit na may nakakalulang halaga

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang cute niyo dalawa panoorin"
"Game na game ang couple na 'to. More dance videos pa po"
"More BINI dance cover pa po. Nakakaaliw kayo"
"Dapat kinakanta niyo rin po, hehehe! Cute!"

Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami. Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.

Samantala, ang grupong BINI ay isang popular na Pinoy Pop girl group sa Pilipinas. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba. Matatandaang naging matagumpay nilang 3-day concert sa Quezon City na sinundan ng ilan pang mga BINIverse shows sa Baguio, Cebu at ngayo'y sa GenSan. Ilang araw lamang mula nang ilabas nila ang official music video ng bago nilang awitin na 'Cherry on top' sa YouTube, pumalo na ito sa 14 million views.

Read also

Umano'y post ng ina ni Carlos Yulo, nag-viral online

Ilang artista na rin ang nagkaroon ng kani-kanilang dance cover ng "Pantropiko" at "Salamin,salamin." Isa nga sa labis na kinagiliwan ay ang bersyon ni Baby Sarina na anak ng 'Sample King' na si Jhong Hilario.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica