Brenda Mage, nagpasalamat matapos magawan ng paraan ang aberya sa airport

Brenda Mage, nagpasalamat matapos magawan ng paraan ang aberya sa airport

- Nagpasalamat si Brenda Mage matapos maayos ang aberya sa airport na muntik nang magresulta sa kanyang pagkaiwan ng flight

- Inihayag niya ang kanyang pasasalamat sa Philippine Airlines para sa kanilang agarang aksyon sa kanyang problema

- Sinabi ni Brenda na malaki ang sana kanyang nagastos para sa bagong ticket na umabot sa 64,000 pesos imbes na 8,000 pesos lang

- Pinasalamatan din ni Brenda ang kanyang mga kaibigan at pamilya na patuloy na sumusuporta sa kanya

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang komedyanteng si Brenda Mage matapos maayos ang isang aberya sa airport na muntik nang magresulta sa kanyang pagkaiwan ng flight. Ayon kay Brenda, halos maiwan na siya ng eroplano at magdudulot sana ito ng malaking problema sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.

Brenda Mage, nagpasalamat matapos magawan ng paraan ang aberya sa airport
Brenda Mage, nagpasalamat matapos magawan ng paraan ang aberya sa airport
Source: Facebook

Ayon sa kanyang kwento, sinabi ni Brenda na sobrang laking pasasalamat niya sa Philippine Airlines sa agarang aksyon na kanilang ginawa upang masiguro na makakasakay siya sa kanyang flight. Ibinahagi pa niya ang tungkol sa presyo ng ticket.

Read also

Nanay ni Carlos Yulo, nagsalita sa pinagmulan nh kanilang samaan ng loob

Ang sakit kaya nung 64,000 na ticket kaloka imbis na 8k lang pamasahe ko

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa mga tauhan ng Philippine Airlines, pinasalamatan din ni Brenda ang kanyang mga kaibigan at pamilya na sina Mama Merry's Collection, Papang, at Lovitos Family, na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Ayon pa kay Brenda, nagpapasalamat din siya sa mga tauhan ng Philippine Airlines na nag-adjust sa paggamit ng Tagalog upang mas madali siyang matulungan at maipaliwanag ang sitwasyon.

Sa kabila ng aberya, masaya si Brenda Mage na makakauwi siya sa Pilipinas nang maluwag ang kalooban. Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya sa panahon ng kanyang pangangailangan, at umaasa siyang muling makikita ang mga ito sa hinaharap.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa espikulasyon sa pag-exit niya sa Batang Quiapo

Matatandaang isinapubliko ni Brenda ang tungkol sa paghihiwalay nila ng boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa kanyang video na binahagi ay makikitang hawak niya ang isang teddy bear na niregalo sa kanya sa kanilang anniversary.

Nag-post si Brenda tungkol sa mga negative comments sa kanya kasunod ng breakup nila ni Gio Sta. Ana. Binahagi niya ang kanyang mensahe kalakip ang kanyang picture na nagpapakita na hindi siya apektado sa mga negatibong komento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: