Rosmar, sinabing umaabot na ng milyon ang kanyang gastusin araw-araw

Rosmar, sinabing umaabot na ng milyon ang kanyang gastusin araw-araw

- Naibahagi ni Rosmar ang halaga ng kanyang gastos sa isang araw

- Ito ang nakikita niya umanong pruweba na talagang umangat na sila sa buhay

- Aniya, hirap siya noon na kitain ito sa lahat ng pinasok niyang negosyo noon

- Gayunpaman, matatandaang si Rosmar ay isa sa mga mabubuting puso na tumuling sa nasalanta ng bagyong Carina

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naisiwalat ni Rosmar Tan Pamulaklakin kung magkano na ang kanyang nagiging gastusin sa isang araw.

Rosmar, naramdaman umanong yumaman na siya nang maging milyon na ang gastos kada araw
Rosmar (Rosmarie Tan Pamulaklakin
Source: Facebook

Ito ay matapos siyang mausisa ni Karen kung ano ang naging hudyat para masabi ni Rosmar na yumaman na talaga sila.

"Para po sa ’kin, siguro 'yung expenses ko sa isang araw eh parang milyon, gano’n, na parang never kong kinita before,” ani Rosmar.

“Like, parang ang hirap kitain. Ang dami kong business, may pet shop, may samgyupsal, restaurant, ukayan, fish store, parang lahat na po, ginawa kong business. Halos sabay-sabay pa ’yon na never kong kinita,” pagbabalik-tanaw pa niya.

Read also

Aiko, may nakakaantig pusong mensahe kina Andre at Marthena

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Pero ngayon, imagine niyo ’yung 1M or 2M, minsan, expenses ko na lang po sa isang araw,”

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila mula sa YouTube nito:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan Pamulaklakin ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Isa na siya sa mga kilalang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters.

Naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata. At sa kabila umano ng mga kontrobersiyang kanilang kinakaharap, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan.

Read also

Aubrey Miles, nahingan ng pahayag ni Ogie D ukol sa umano'y scammer na gumamit sa pangalan niya

Kamakailan, nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ni Ogie Diaz sina Rosmar at Rendon Labador ng Team Malakas. Doon, naidetalye ni Rosmar ang mga isyung kinaharap nila sa pagiging persona non grata nila sa Palawan. Paglilinaw ni Rosmar, tatlong araw umano silang nagkaroon ng charity sa naturang lugar at marami talaga umanong biyaya ang naipamahagi sa loob ng nasabing panahon.Hindi nila inasahan ang dami at dagsa ng tao sa huling araw kung saan sa mismong lugar na sila namili ng mga ipamimigay.Dito nagkaroon umano ng masasabing aberya gayung marami ang umasang mabibigyan subalit hindi nakakuha.Ito ang naging dahilan sa post ng sinasabing staff ng munisipyo na nagresulta sa nag-viral na komprontasyon na nai-post mismo ni Rendon.

Gayunpaman, inamin niyang pinagsisishan ang nangyari na noong napanood mismo ang kanilang video, mas lalo niyang naisip na tila mali ang kanyang naging reaksyon sa mga oras na iyon. Hiling din niyang mabigyan pa sila ng chance na makabalik sa Palawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica