Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa espikulasyon sa pag-exit niya sa Batang Quiapo

Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa espikulasyon sa pag-exit niya sa Batang Quiapo

- Nagbigay pahayag si Ivana Alawi tungkol sa mga espikulasyon ng kanyang pag-alis sa 'Batang Quiapo'

- Nilinaw ni Ivana na hindi totoo ang tsismis na umaalis siya ng taping nang hindi pa tapos

- Sinabi niyang hindi siya nagkakaroon ng attitude problem at inamin niyang maaaring ang kanyang mukha ang nagpapakita ng ganoon

- Ipinahayag ni Ivana na naintindihan ni Coco Martin ang kanyang resignation at pinagkatiwalaan niya ito sa pagdesisyon sa kanyang character's exit

Nagbigay pahayag si Ivana Alawi tungkol sa mga espikulasyon na bumabalot sa kanyang pag-exit mula sa teleseryeng 'Batang Quiapo.' Ayon kay Ivana, hindi totoo ang mga alegasyon na umaalis siya ng set nang hindi pa tapos ang taping. Ipinaliwanag niya na alam niya ang mataas na gastos ng produksyon kaya kahit lumagpas pa siya ng oras, wala siyang reklamo at handang magpatuloy.

Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa espikulasyon sa pag-exit niya sa Batang Quiapo
Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa espikulasyon sa pag-exit niya sa Batang Quiapo
Source: Youtube

Sa isyu ng attitude problem, pabiro niyang sinabi na maaaring ang kanyang mukha ang nagiging sanhi ng maling akala ng iba. Natatawang sinabi ni Ivana na, “Isa sa mga problema siguro ay ang aking mukha kapag hindi ako nakangiti, mukhang may attitude ako.”

Read also

Ivana Alawi, sinagot ang tanong tungkol sa kanyang paghiga sa kabaong

Nang tanungin kung paano tinanggap ni Coco Martin ang kanyang resignation, sinabi ni Ivana na naintindihan ito ni Coco dahil sa kanyang karanasan bilang artista at direktor. Ayon kay Ivana, alam ni Coco ang pakiramdam ng pagkakaroon ng maraming responsibilidad at trabaho.

Ikinuwento rin ni Ivana na tinanong siya ni Tita Cory Vidanes tungkol sa kanyang death scene. Sinabi ni Ivana na ibinigay niya ang buong tiwala kay Coco Martin sa pagdesisyon kung paano aalisin ang kanyang karakter sa palabas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Read also

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe matapos mamaalam ni 'Bubbles' sa Batang Quiapo

Matatandaang kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra.

Nagbahagi si Ivana ng mensahe matapos ang kanyang pagganap bilang 'Bubbles' sa "Batang Quiapo". Inalala niya ang kanyang pag-aalinlangan noong una siyang inalok ng papel ngunit tinanggap ito dahil sa tiwala sa ABS-CBN at Direk Coco.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate