Kampo ni Sandro Muhlach, nagsampa na ng reklamo laban sa independent contractors ng GMA

Kampo ni Sandro Muhlach, nagsampa na ng reklamo laban sa independent contractors ng GMA

- Nakatanggap ng formal complaint ang GMA Network mula kay Sparkle artist Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng network

- Kinumpirma ng GMA Network nitong Huwebes, Agosto 1, ang reklamo ni Muhlach laban kina Jojo Nones at Richard Cruz

- Ayon sa GMA, nagsagawa na sila ng kanilang sariling imbestigasyon bago pa man magreklamo si Muhlach

- Iginagalang ng network ang kahilingan ni Sandro para sa pagiging kumpidensyal ng imbestigasyon at pinangako ang pagiging patas at walang kinikilingan sa proseso

Nakatanggap ng formal complaint ang GMA Network mula sa Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors umano ng naturang network. Ayon sa isang pahayag nitong Huwebes, Agosto 1, kinumpirma ng GMA Network ang reklamo ni Muhlach laban kina Jojo Nones at Richard Cruz, na pawang mga independent contractors nila.

Kampo ni Sandro Muhlach, nagsampa na ng reklamo laban sa independent contractors ng GMA
Kampo ni Sandro Muhlach, nagsampa na ng reklamo laban sa independent contractors ng GMA
Source: Instagram

Ibinahagi ng GMA na nagsagawa na rin sila ng kanilang sariling imbestigasyon bago pa man magreklamo si Muhlach. Ayon sa network, kinilala nila ang kabigatan ng insidente at agad nilang inumpisahan ang kanilang imbestigasyon kahit hindi pa natatanggap ang formal complaint.

Read also

Teacher, kinabiliban sa ginawa nitong pag-akyat sa flagpole upang ikabit ang rope

Dagdag pa ng GMA, iginagalang nila ang hiling ni Sandro para sa pagiging kumpidensyal ng imbestigasyon, kaya't hindi muna ilalabas ang mga detalye hanggang sa matapos ang proseso. Pinangako rin ng network sa publiko at sa lahat ng stakeholders na isasagawa nila ang imbestigasyon nang may pinakamataas na pamantayan ng pagiging patas at walang kinikilingan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Isa siya sa mga batang artista noong dekada '70 at '80 na sumikat sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula.

Ibinenta ni Niño ang isa sa kanyang mga FAMAS trophies kay Boss Toyo. Ang FAMAS, na nangangahulugang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, ay isa sa mga pinaka-pinapangarap na parangal sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Sa isang video na ibinahagi ni Boss Toyo sa kanyang channel na “Pinoy Pawn Stars,” tinanggap ng host ng palabas ang hinihinging presyo ng mga anak ni Niño na sina Xandro at Alonzo na P500K.

Samantala, naibahagi ni Niño sa isang video ang pagdala sa kanya sa ospital. Habang nasa taping raw ng Batang Quiapo ay hindi na siya makaarte at hindi niya na mabigkas ang linya niya dahil sa nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang ilong. Isinugod siya sa ospital ngunit umayaw siyang sumakay sa ambulansiya. Dagdag pa ni Niño, nabahala siya dahil delikadong parte ng mukha ang sumakit lalo at malapit ito sa utak kaya minabuti niyang ipasuri ito .

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate