Vice Ganda, napatakbo sa backstage matapos matanggal ang wig habang sumasayaw

Vice Ganda, napatakbo sa backstage matapos matanggal ang wig habang sumasayaw

- Napuno ng tawanan ang bagong segment ng It's Showtime na 'Bata Bata Pick'

- Ito ay matapos makatanggap ng 'funishment' si Vice Ganda nang mabunot siya bilang alay

- Bilang 'funishment' ay kailangan niyang gayahin ang sayaw ng isang 'Baby Doll dancer' na nagpakita ng sayaw na kung saan paikot-ikot ang ulo

- Habang ginagawa ni Vicce ang sayaw ay natanggal ang kanyang wig at agad siyang tumakbo backstage

Napuno ng tawanan at saya ang bagong segment ng It's Showtime na 'Bata Bata Pick' sa isang hindi inaasahang pangyayari. Ang sikat na komedyanteng si Vice Ganda ay nabunot bilang alay at napiling makatanggap ng 'funishment'.

Vice Ganda, napatakbo sa backstage matapos matanggal ang wig habang sumasayaw
Vice Ganda, napatakbo sa backstage matapos matanggal ang wig habang sumasayaw
Source: Youtube

Bilang bahagi ng kanyang 'funishment', kailangan gayahin ni Vice Ganda ang sayaw ng isang 'Baby Doll dancer'.

Ang sayaw ay may kakaibang galaw kung saan paikot-ikot ang ulo na siyang naging hamon para kay Vice. Sa gitna ng kanyang masiglang performance, isang nakakatuwang insidente ang naganap: natanggal ang kanyang wig!

Read also

Awra Briguela, sinagot ang komentong nagpa-party-party na naman siya

Dahil dito, agad na tumakbo si Vice Ganda papunta sa backstage, na nagdulot ng malakas na tawanan mula sa mga hosts, studio audience, at mga viewers.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming netizens ang agad na nagbahagi ng kanilang reaksyon sa social media, karamihan ay nagtatawanan at nagkomento sa pagiging sport ni Vice Ganda sa kabila ng nangyari. Ang insidenteng ito ay mabilis na nag-viral at naging usap-usapan sa iba't ibang online platforms.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig upang ipadama sa kalahok sa Expecially for You na si April. Ani Vice, hindi na siya taong affected sa mga taong napapangitan sa kanya pag wala syang wig. Dagdag pa niya, may wig o wala, alam niyang may mga nagmamahal sa kanya. Hindi napigilan ni April na maiyak at maging ang mga studio audience ay naging emosyonal din.

Read also

Heart Evangelista, muling nakasama ang Asuncion Family

Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng "Sir". Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding "Sir" pero tinanggap lang niya ito nang walang galit. Naglabasan ang mga videos, memes, at art cards tungkol sa insidente ni Vice Ganda sa "It's Showtime". Patuloy pa rin ang bashing sa nasabing writer kahit naglabas na siya ng official statement tungkol sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate