Aubrey Miles, nahingan ng pahayag ni Ogie D ukol sa umano'y scammer na gumamit sa pangalan niya

Aubrey Miles, nahingan ng pahayag ni Ogie D ukol sa umano'y scammer na gumamit sa pangalan niya

- Nahingan ng pahayag ni Ogie Diaz si Aubrey Miles patungkol sa gumamit ng kanyang pangalan para makapanloko

- Ito ay naganap sa kasagsagan ng bagyong Carina kung saan nagamit ang aktres para makalikom ng salapi

- May ilan umano sa kanyang mga kaibigan na agad na nagkumpirma muna kay Aubrey bago magpadala ng tulong

- Paalala ni Aubrey na maging mapanuri at huwag basta maniwala dahil parami na nang parami ang mga scammers ngayon

Nagbigay ng pahayag si Aubrey Miles patungkol sa nakaaalarmang naganap kamakailan kung saan nagamit ang pangalan niya sa panloloko.

Aubrey Miles, nahingan ng pahayag ni Ogie Diaz ukol sa gumamit ng kanyang pangalan para manloko
Aubrey Miles, nahingan ng pahayag ni Ogie Diaz ukol sa gumamit ng kanyang pangalan para manloko (@milesaubrey)
Source: Youtube

Sa programang Ogie Diaz Showbiz Update, nagbigay detalye si Aubrey sa kung paano ginamit ng scammer ang kanyang pangalan para makalikom ng pera na sinasabing para sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

"Nakatanggap ako ng message nung Carina storm. Ta's nung day na 'yon, may nagmessage sa akin na actually, ito yung travel agent ko na nagmessage direct talaga sa akin na sabi niya, 'oy humihingi ka ba ng tulong para sa Carina victims? Pwede makatulong kami. Ang sabi ko naman, hindi ako nanghihingi. Sabi niya, iba rin 'yung number na nagtext sa kanya So sabi niya, I just wanna make sure na ikaw talaga 'to dahil alam niya, iba talaga 'yung number ko," ani Aubrey.

Read also

Aubrey Miles, binunyag na nakakuha ng pera ang scammer gamit ang pangalan niya: "Grabe nakakahiya"

Doon na siya naalarma sa ginagawa ng scammer lalo na at marami na rin ang nagdirect message sa kanya sa kanyang social medi upang kumpirmahin kung nangangalap umano siya ng pondo para umano'y itulong sa mga napinsala ng bagyong Carina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang ilan, muntik na umanong makapagpadala ng pera subalit naisipan din muna talagang kumpirmahin mismo kay Aubrey kung siya nga ba ito.

Dahil dito, paalala ng aktres na maging mapanuri at huwag basta maniniwala sa panahon ngayon na naglipana umano ang mga scammer at manloloko.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz showbiz Update YouTube:

Sina Troy Montero at Aubrey Miles ay celebrity couple ng Pilipinas. Hunyo ng taong 2022, ikinasal ang dalawa makalipas ang halos dalawang dekada na pagsasama. Nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Hunter at Rocket.

Read also

Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye

Samantala, bukod kay Aubrey, ilan pang mga aktres ang nabiktima ng panggagamit ng pangalan para lang makapanloko at makahingi ng pera. Ilan sa kanila ay sina Jolina Magdangal, Antoinette Taus at Mariel Padilla.

Samantala, marami sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan ng pagbaha sa matinding pag-ulan dulot ng bagyong Carina. Gayunpaman, may pag-asang hatid ang sanggol na isinilang sa kasagsagan ng bagyong ito kaya naman Carina ang ipinangalan sa kanya ng kanyang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: