Awra Briguela, sinagot ang komentong nagpa-party-party na naman siya

Awra Briguela, sinagot ang komentong nagpa-party-party na naman siya

- Sinagot ni Awra Briguela ang komento ng isang netizen na nagsasabing nagpa-party na naman siya, at sinabi niyang hindi na siya nagpa-party

- Paliwanag ni Awra, siya ay dumalo sa opening ng bagong dance studio ng A-Team/Zero Studio, hindi sa isang party

- Matatandaang nasangkot si Awra sa isang kaguluhan sa isang bar na nagresulta sa kanyang pagkakakulong ng ilang araw

- Mula noon, ayon kay Awra at Vice Ganda, mas naging maingat at responsable na si Awra sa kanyang mga ginagawa

Muling naging usap-usapan sa social media si Awra Briguela matapos siyang makatanggap ng komento na nagpa-party na naman siya. Isang netizen ang nagkomento sa kanyang post na nagsasabing, "Awra party party kananaman diyan nanaman kapahamakan mo 🤦‍♀."

Awra Briguela, sinagot ang komentong nagpa-party-party na naman siya
Awra Briguela, sinagot ang komentong nagpa-party-party na naman siya
Source: Instagram

Sa kanyang tugon, ipinaliwanag ni Awra na hindi na siya nagpa-party tulad ng dati. Sinabi niya na, "FYI po, I don’t party anymore. Opening po yan ng new dance studio ng A-Team/Zero Studio." Nilinaw niya na ang nasabing event ay isang opening ng bagong dance studio at hindi isang party tulad ng inaakala ng netizen.

Read also

Ruru Madrid, natawa matapos sabihin ng isang lolo kung sino ang hinahangaan niya

Awra Briguela, sinagot ang komentong nagpa-party-party na naman siya
Awra Briguela, sinagot ang komentong nagpa-party-party na naman siya
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang nasangkot si Awra sa isang insidente sa isang bar na nagresulta sa kanyang pagkakakulong ng ilang araw. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Ayon kay Awra at sa kanyang kaibigan na si Vice Ganda, mula nang mangyari ang insidente, natuto na si Awra at tumigil na sa madalas na pag-gimmick. Mas naging maingat na siya sa kanyang mga ginagawa at mas pinipili na niyang iwasan ang mga sitwasyong maaaring magdala ng kapahamakan.

Ayon kay Vice Ganda, simula nang mangyari ang insidente, nakita niya ang malaking pagbabago kay Awra. Mas naging responsable ito at mas pinahahalagahan na ang kanyang kapakanan at imahe. Naniniwala rin siya na ang mga pinagdaanan ni Awra ay nagpatibay sa kanya bilang isang tao at artista.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Read also

Rider na nagsauli ng nakitang Php3 million na tseke sa RTIA, nagantimpalaan

Isang nagpakilalang kaibigan ni Awra ang nagbahagi ng pahayag kaugnay sa viral na video ni Awra. Makikita sa IG stories ng IG user na may handle na @simpforzayla na kasama si Awra sa kanyang video sa kanilang pagpunta sa isang bar sa Poblacion sa Makati. Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit nagkainitan sila. Dagdag pa niya, ang lalaki daw ang unang nanuntok kay Awra kaya lumaban si Awra.

Isa sa sangkot sa rambulan na kinasangkutan ni Awra ang nagsalita sa News5. Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra. Kasamahan daw ni Awra ang unang nanuntok at lumaban na lang daw siya. Nauna na ring nagsalita ang ilang kaibigan at kasamahan ni Awra patungkol sa umano'y pangbabastos sa kaibigan ni Awra na siyang nag-udyok sa Kapamilya star para kausapin ang umano'y nangbastos sa kanyang kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate