Arci Muñoz, napagtripan si Manny Paquiao; ginamitan ng filter ng Pambansang Kamao

Arci Muñoz, napagtripan si Manny Paquiao; ginamitan ng filter ng Pambansang Kamao

- Tawang-tawa si Arci Muñoz matapos gamitin ang isang app na may Manny Pacquiao filter

- Makikita sa Instagram video ni Arci ang kanyang selfie kasama si Manny Pacquiao na may filter

- Aliw na aliw si Arci habang naka-background ang awitin ng boksingero at pabirong humiling ng jab kay Manny

- Nagkomento si Manny tungkol sa filter at sinabing, "Ibang klase yang phone mo ah"

Tawang-tawa si Arci Muñoz matapos gamitin ang isang app na may Manny Pacquiao filter sa mukha ng Pambansang Kamao. Mapapanood ang nakakatuwang video sa Instagram ni Arci, kung saan naka-selfie ito kasama si Manny Pacquiao.

Arci Muñoz, napagtripan si Manny Paquiao; ginamitan ng filter ng Pambansang Kamao
Arci Muñoz, napagtripan si Manny Paquiao; ginamitan ng filter ng Pambansang Kamao
Source: Instagram

Aliw na aliw si Arci sa eksena habang naka-background ang awitin ng boksingero. Sa video, pabirong sinabi ni Arci, “Tito Manny pa-isa lang oh, pa-jab nga dito,” habang tawa siya nang tawa at nakaturo sa kanyang pisngi.

Read also

Ruru Madrid, nagsalita kaugnay sa nag-viral na eksena sa programang 'Unang Hirit'

Nagkomento naman si Manny sa kanyang itsura at sinabing, “Ibang klase yang phone mo ah!”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang nakakatuwang moment na ito ay lalong nagpasaya sa mga netizens at nagpatawa sa boxing champion.

Narito ang ilang komento:

Pag ikaw talaga jinab ni sir Manny.
Iba talaga si sir Manny Pacquiao never napikon salute
Yung nagfilter ka ng Pacquiao kahit ikaw na mismo si Pacquiao

Si Ramona Cecilia "Arci" Datuin Muñoz ay isang actress, model, singer at dancer. Bokalista siya ng rock band na Philia at kasalukuyang bahagi ng Philippine Air Force bilang Sergeant. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa third season ng reality talent show na StarStruck noong 2005. Naging bahagi siya ng ilang mga palabas sa ABS-CBN, GMA and TV5.

Sa pagdami ng mga artistang nag-file ng kanilang candidacy para tumakbo sa pulitika, isa si Arci sa mga ito. Tatakbo siya bilang konsehal ng Cainta. Kamakailan ay naibahagi ni Arci na natupad niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling restaurant.

Read also

20-anyos na composer ng 'Pantropiko,' nagdetalye ukol sa sikat na awit ng BINI

Marami ang lalong bumilib kay Arci sa kanyang ibinahaging Instagram post. Ito ay kuha noong sumailalim siya sa Philippine Airforce Basic Citizen Military Training. Matatandaang noong Independence Day ng nakaraang taon inimbita pa niya ang mga kapwa niya babae na magpalista na rin. Makikita sa kanyang post ang paglublob nito ng mukha niya sa maputik na tubig sa damuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate