Elvis Gutierrez, binahagi ang picture nila ng yumaong asawa

Elvis Gutierrez, binahagi ang picture nila ng yumaong asawa

- Walang mahabang mensahe kundi litrato nila ng yumaong asawang si Alexa Gutierrez ang binahagi ni Elvis Gutierrez

- Bumuhos ang pakikiramay para kay Elvis at sa buong pamilya ng Gutierrez sa pagpanaw ni Alexa na nagkaroon ng leukemia

- Sa birthday message ni Elvis para kay Alexa noong July 1, inihayag niya ang kanyang pagmamahal sa asawa anuman ang mangyari

- Nagpasalamat naman si Alexa sa asawa na hindi siya iniwan sa kinakaharap niyang laban

Walang mahabang mensahe kundi isang litrato lamang nila ng yumaong asawang si Alexa Gutierrez ang ibinahagi ni Elvis Gutierrez sa kanyang social media account. Sa simpleng post na ito, nadama ng maraming netizens ang malalim na kalungkutan at pagmamahal ni Elvis para sa kanyang asawa.

Elvis Gutierrez, binahagi ang picture nila ng yumaong asawa
Elvis Gutierrez, binahagi ang picture nila ng yumaong asawa
Source: Instagram

Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kaibigan, kamag-anak, at mga tagahanga para kay Elvis at sa buong pamilya Gutierrez sa pagpanaw ni Alexa. Si Alexa, na nagkaroon ng leukemia. Sa kabila nito ay nanatili siyang matatag at positibo para sa kanyang pamilya.

Read also

Alexa Gutierrez, nagawa ang aniya'y 'best decision' para sa kanyang mga anak

Noong July 1, sa birthday message ni Elvis para kay Alexa, inihayag niya ang kanyang walang hanggang pagmamahal sa asawa anuman ang mangyari. Sa mensaheng ito, ipinakita ni Elvis ang kanyang dedikasyon at suporta para kay Alexa, na naging inspirasyon para sa marami.

Happy birthday to the Love of my life @alexaugutz. Just know that I am here beside you through good and bad, sickness and in health, with my heart and soul. Until forever my love.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpasalamat naman si Alexa sa kanyang asawa na hindi siya iniwan sa kanyang kinakaharap na laban. Ayon kay Alexa, pinagpapasalamat niya sa Panginoon ang kanyang asawa.

Love you thanks for being there for me through all of this. I praise God for you everyday

Si Alexa Gutierrez, sister-in-law ni Ruffa Gutierrez at asawa ni Elvis Gutierrez, ay na-diagnose na may Acute Lymphoblastic Leukemia, kung saan ang kanyang katawan ay gumagawa ng mas maraming white blood cells kaysa sa red blood cells.

Read also

David Licauco, pinahanga ang marami sa husay sa PH History Quiz

Matatandaang nagbahagi si Alexa ng madamdaming mensahe para sa asawang si Elvis sa kanilang anibersaryo habang siya ay patuloy na lumalaban sa Leukemia. Pinasalamatan niya ang asawa sa walang sawang pagmamahal at suporta lalo na sa mga panahong siya ay mahina.

Sa mga huling post ni Alexa bago siya pumanaw, nagbahagi siya tungkol sa pagpasok niya sa mga anak sa isang personality development training center. Ilan daw sa mga dailan kung bakit nila pinasok ang mga anak na sina Aria at Ezra sa naturang center ay para malinang ang kanilang Social skills, self presentation, confident communication, social graces at personal growth.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate