David Licauco, pinahanga ang marami sa husay sa PH History Quiz

David Licauco, pinahanga ang marami sa husay sa PH History Quiz

- Bumilib ang marami kay Davic Licauco nang masagot niya halos lahat ng tanong sa isang History Quiz

- Siyam na tanong ang kanyang nasagot habang ang kanyang co-stars na sina Sanya Laopez at Alden Richards ay may tig isang nasagot

- Sila ay ilan lamang sa mga bumida sa bagong GMA series na Pulang Araw na mapapanood din umano sa Netflix

- Kasama rin nila rito ang dati nang nakapareha ni David na si Barbie Forteza

Marami ang humanga sa Kapuso actor na si David Licauco nang masagot nito ang karamihan sa Philippine history pop quiz kasama ang content creator na si Chris Cantada bilang host.

David
David Licauco, pinahanga ang marami sa husay sa History Quiz (@davidlicauco)
Source: Instagram

Kasama ni David ang ilan sa kanyang co-stars sa Pulang Araw na sina Barbie Forteza, Alden Richards at Sanya Lopez.

Yes or No lang ang isasagot nila sa mga tanong ni Chris, subalit ang nakamamangha kay David, nasasabi pa niya ang tamang sagot kung No ang sagot.

Read also

Ruru Madrid, natawa matapos sabihin ng isang lolo kung sino ang hinahangaan niya

Maging ang host ng history pop quiz ay napa-wow nang masagot ni David ang karamihan sa mga tanong. Gayundin ang kanyang mga co-stars na sinabing pambato raw talaga sa Philippine history si David.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang 'Pulang Araw' ay mapapanood sa GMA pagkatapos ng 24 Oras. Mapapanood din ito sa Netflix.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na Chris Canada Force:

Si David Licauco ay isang model, aktor at businessman sa Pilipinas. Mas lalong nakilala ang pangalan ni David sa mukha ng showbiz nang gampanan niya ang karakter ni Fidel sa GMA serye na Maria Clara at Ibarra.

Dumami ang kanyang mga tagahanga at isa na rito ang kapatid ni Zeinab Harake na si Rana. Kaya naman sa kaarawan nito noong nakaraang taon, matatandaang naisipan ni Zeinab na i-surpresa si Rana ng isang date kasama ang idolo nitong si David.

Read also

Ginang sa Valenzuela, nagsilang sa evacuation center sa kasagsagan ng bagyong Carina

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, Isa sa mga napag-usapan nila ay kung bakit niya tinanggap ang role bilang si Fidel sa Maria Clara at Ibarra. Pasuko na sana noon si David sa kanyang showbiz career lalo pa at naging abala na siya sa kanyang mga negosyo na nagsimula lamang noong kasagsagan ng pandemya.Nang bigla umanong ma-offer sa kanya ang nasabing role sa proyekto ng GMA na talagang sinubaybayan ng publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica