Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye

Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye

- Sinagot ni Herlene Budol ang isang netizen na nagsabing ugaling kalye daw siya

- Ito ang komento ng isang netizen sa post ni Herlene kung saan pinakita niya ang ilang kaganapan sa ginanap na GMA Gala

- Tinanong ni Herlene ang netizen na nagkomento kung lumaki daw ba ito sa farm at perfect dw ang ugali nito

- Sa naturang video ay pinakita niya ang pag-kiss niya sa pisngi ni Alden Richards at pakikihalubilo niya sa iba pang mga personalidad na dumalo

Sa kabila ng kasikatan at magandang imahe sa showbiz, hindi nakaligtas si Herlene Budol sa mga negatibong komento mula sa netizens. Kamakailan lamang, isang netizen ang nagsabing ugaling kalye daw ang aktres sa isang post na ipinakita ang ilang kaganapan sa GMA Gala.

Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye
Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye
Source: Facebook

Hindi pinalampas ni Herlene ang komentong ito at agad na bumwelta. Sa kanyang tugon, tinanong niya ang nasabing netizen kung lumaki ba ito sa farm, at sinabing tila perfect ang ugali nito.

Read also

Marian Rivera, kinagiliwan sa pagkikita nila ni Pokwang sa GMA gala

Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye
Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa nasabing video na naging sanhi ng kontrobersiya, makikita si Herlene na nagbigay ng halik sa pisngi ni Alden Richards, isa sa mga kilalang aktor ng GMA Network. Bukod dito, ipinakita rin ang kanyang pakikihalubilo sa iba pang mga personalidad na dumalo sa event.

Ang mabilis na tugon ni Herlene ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay.

Sa kabila ng mga kritisismo, nananatiling positibo si Herlene at ipinapakita ang kanyang dedikasyon sa kanyang karera at sa kanyang mga tagahanga. Patuloy niyang pinapatunayan na ang mga negatibong komento ay hindi hadlang sa kanyang tagumpay sa industriya ng showbiz.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Read also

Ka-double ni Kim Domingo, umalma matapos pagtripan ng netizens ang kanyang itsura

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate