Unang girlfriend ni Rico Yan na si Patricia Sandejas, ikinasal na

Unang girlfriend ni Rico Yan na si Patricia Sandejas, ikinasal na

- Ikinasal na si Patricia Sandejas kay Ginoong Junjun Binay

- Naganap ang pag-iisang dibdib nila noong July 10, 2023 sa Nuestra Señora de Gracia Parish Church sa Guadalupe Viejo, Makati City

- Si Tricia ay ang unang kasintahan ng yumaong aktor na si Rico Yan bago pa man ito pumasok sa showbiz at nanatiling magkaibigan kahit naghiwalay

- Halos isang dekada nang magkasama sina Tricia at Junjun matapos magkakilala sa opening ng restaurant nilang Bistro Mondo sa Makati

Ikinasal na si Patricia "Tricia" Sandejas kay Ginoong Junjun Binay noong July 10, 2023, sa Nuestra Señora de Gracia Parish Church – Guadalupe Viejo, Makati City. Ang kanilang kasal ay naging usap-usapan matapos maglabas ng video ang Spotted Trend na nagpakita ng mga highlight ng seremonya.

Unang girlfriend ni Rico Yan na si Patricia Sandejas, ikinasal na
Unang girlfriend ni Rico Yan na si Patricia Sandejas, ikinasal na
Source: Facebook

Si Tricia ay kilala bilang unang kasintahan ng yumaong aktor na si Rico Yan bago pa man ito sumabak sa showbiz. Bagaman naghiwalay sila bilang magkasintahan, nanatili pa rin silang magkaibigan.

Read also

Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!"

Ayon sa ulat ng Bandera, nagkakilala sila Junjun at tricia sa opening ng restaurant na Bistro Mondo sa Makati.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan ay muling naging usap-usapan si Rico dahil sa pagpunta ng mga content creator sa kanyang puntod. Umani ito ng samu't-saring reaksiyon. May mga nagsasabing ginagamit pa ng ilan ang yumaong aktor at meron namang masaya na hanggang sa kasalukuyan ay inaalala pa rin ito.

Si Rico Yan (Ricardo Carlos Castro Yan) ay isang kilalang Filipino actor, model, at host. Ipinanganak noong March 14, 1975, sa Manila, Pilipinas. Sa kabila ng kanyang matagumpay na karera, pumanaw si Rico Yan noong March 29, 2002, sa edad na 27, dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis. Ang kanyang maagang pagyao ay nagdulot ng kalungkutan sa kanyang mga tagahanga at sa industriya ng showbiz.

Binahagi ni Claudine Barretto ang picture ng isang cake para sa paggunita ng kaarawan ni Rico Yan. Kalakip ito ng kanyang pagbati sa namayapang aktor na naging karelasyon niya noon.

Read also

Chad Kinis, tinanghal na kauna-unahang champion ng LOL Philippines

Minabuti ni Claudine na ilabas ang kanyang panig matapos ang maraming taon na na-bash siya matapos ang pagpanaw ni Rico Yan. Kinumpirma niya ang bali-balitang nasa Subic sila ni Raymart Santiago noong March 29, 2002 habang nasa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa si Rico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: