RR Enriquez, nagkomento tungkol sa alegasyong 'feeling sikat' daw ang BINI

RR Enriquez, nagkomento tungkol sa alegasyong 'feeling sikat' daw ang BINI

- Nagkomento si RR Enriquez tungkol sa alegasyon na 'feeling sikat' ang BINI sa isang recent post

- Sinabi niyang hindi naman porket nag-face mask ang grupo ay 'feeling sikat' na agad sila

- Ipinunto niya na maaaring pagod o puyat ang mga miyembro ng BINI kaya nag-mask na lang sila

- Hinikayat niya ang publiko na tigilan ang panghuhusga at paggawa ng maling akala tungkol sa mga artista

Sa isang recent post, nagbigay ng kanyang opinyon si RR Enriquez, na kilala bilang "Sawsawera Queen," tungkol sa mga alegasyon na 'feeling sikat' umano ang all-girl group na BINI.

RR Enriquez, nagkomento tungkol sa alegasyong 'feeling sikat' daw ang BINI
RR Enriquez, nagkomento tungkol sa alegasyong 'feeling sikat' daw ang BINI
Source: Instagram

Ayon kay Enriquez, hindi niya personal na kilala ang grupo ngunit ang kanyang mga pamangkin ay mahilig sa mga kanta ng BINI, lalo na ang "Pantropiko." Ipinaliwanag niya na hindi naman nangangahulugang 'feeling sikat' na agad ang BINI dahil lamang sa pagsusuot nila ng face mask. Maaaring maaga lang ang flight ng grupo at ayaw na nilang mag-ayos o mag-makeup. Dagdag pa niya, may mga artista talagang hindi komportable magpakuha ng larawan kapag hindi nakaayos kaya nag-face mask na lang sila.

Read also

Lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila, hindi pala marunong lumangoy

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinunto rin ni Enriquez na maaaring pagod o puyat ang mga miyembro ng BINI. Kahit hindi sila kilala ng lahat, sigurado siyang may mga nakakakilala rin sa kanila na posibleng mag-request ng picture sa airport. Kaya upang maiwasan ito, nag-face mask na lang ang grupo.

Binigyang-diin pa ni Enriquez na kahit public figure ang BINI, tao pa rin sila na napapagod at may mga pagkakataong hindi nila gustong magpa-picture. Bilang personal na halimbawa, ibinahagi niya na kahit siya na hindi masyadong kilala, ay nagsusuot ng face mask kapag namamasyal o naggo-grocery upang maiwasan ang pag-aayos.

Sa huli, pinaalala ni Enriquez na huwag agad-agad maghusga sa iba. Hinikayat niya ang publiko na tigilan ang panghuhusga at paggawa ng mga maling akala tungkol sa mga artista.

Read also

Rider na nagsauli ng nakitang Php3 million na tseke sa RTIA, nagantimpalaan

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN. Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Kabilang si RR Enriquez sa mga personalidad na naghayag ng kanilang saloobin kaugnay sa nag-viral na resort na tinayo sa Chocolate Hills sa Bohol. Para sa kanya, wala naman daw masama sa ginawa nila lalo kung makakatulong daw ito sa turismo ng bansa. Gayunpaman, aniya ay hindi lang maganda ang pagkakagawa ng naturang resort kaya aniya ay sana paglaanan ng budget para mapaganda. Isa-isa namang sinagot ni RR ang mga sumalungat sa kanyang opinyon tungkol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate