Michelle Madrigal, sinorpresa ang kanyang fiancé bago ang nakatakda nilang pagpapakasal

Michelle Madrigal, sinorpresa ang kanyang fiancé bago ang nakatakda nilang pagpapakasal

- Sinorpresa ni Michelle Madrigal ang kanyang fiancé bago ang kanilang kasal sa pamamagitan ng pagpapagawa ng veneers

- Matagal nang pinapangarap ng kanyang fiancé na magkaroon ng veneers kaya nagdesisyon si Michelle na regaluhan siya nito

- Ayon kay Michelle, ito ay para gawing mas espesyal ang kanilang araw at nagpapasalamat siya sa pinakamahusay na cosmetic dentist sa Austin

- Matatandaang kinompirma ni Michelle na nakatakda siyang ikasal sa kanyang fiancé na kapanalig niya at isa ring Christian

Sinorpresa ni Michelle Madrigal ang kanyang fiancé bago ang kanilang nalalapit na kasal. Ayon kay Michelle, matagal nang pinapangarap ng kanyang fiancé na magkaroon ng veneers.

Michelle Madrigal, sinorpresa ang kanyang fiance bago ang kanilang kasal
Michelle Madrigal, sinorpresa ang kanyang fiance bago ang kanilang kasal
Source: Instagram

Kaya naman, upang gawing mas espesyal ang kanilang araw, nagdesisyon siyang regaluhan ito ng bagong ngiti bago ang kanilang kasal. Aniya, “My fiancé has always wanted to get veneers. To make our big day extra special, I decided to gift him a new smile before our wedding! I am so happy he is getting it done with the BEST cosmetic dentist in Austin!”

Read also

Barbie Forteza, na-'gong' sa 'Tawag ng Tanghalan' matapos niyang kumanta

Matatandaang nauna nang kinompirma ni Michelle na nakatakda siyang ikasal sa kanyang fiancé na kapanalig niya at isa ring Christian. Ang sorpresa niyang ito ay nagpapakita ng kanilang pagmamahalan at pag-aalaga sa isa’t isa, lalo na sa isang napakahalagang yugto ng kanilang buhay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Biniyayaan si Michelle at kanyang asawang si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app. Matatandaang naibahagi ng mag-asawa sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling.

Kamakailan ay binahagi ni Michelle na nakapag-move on na siya at mayroon na rin siyang nakaka-date. Aniya, kagaya niya ay divorced din ang lalaking kanyang nakakasama kaya parang mas nagkakaintindihan umano sila. Inamin niya din na wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kanya. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawa at paglipat niya ng tirahan kasama ang kanilang anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate