John Estrada, tinanong si Lorna Tolentino: "Ang pag-ibig ba kahit mali, pwede ipaglaban?"

John Estrada, tinanong si Lorna Tolentino: "Ang pag-ibig ba kahit mali, pwede ipaglaban?"

- Naksama ni John Estrada ang malapit na kaibigang si Lorna Tolentino sa kanyang YouTube channel

- Bukod sa love life ni Lorna, natanong ni John ang tungkol sa maling pag-ibig

- Tinanong ni John kung pwede daw ba ipaglaban ang pag-ibig kahit mali ito

- Sagot naman ni Lorna, kapag mali ay ipagdasal na sana tumama

Nagkaroon ng masayang usapan sa pagitan ni John Estrada at ng kanyang malapit na kaibigan na si Lorna Tolentino sa kanyang YouTube channel. Sa kanilang pag-uusap, natanong ni John ang tungkol sa love life ni Lorna at napunta sa usapan ang konsepto ng maling pag-ibig.

John Estrada, tinanong si Lorna Tolentino: "Ang pag-ibig ba kahit mali, pwede ipaglaban?"
John Estrada, tinanong si Lorna Tolentino: "Ang pag-ibig ba kahit mali, pwede ipaglaban?"
Source: Youtube

Diretsahang tinanong ni John si Lorna, "Ang pag-ibig ba kahit mali, pwede ipaglaban?" Isang makahulugang tanong na tila may personal na pinaghuhugutan. Tumugon naman si Lorna na, "Kapag mali ay ipagdasal na sana tumama."

Hindi napigilang pabirong sumagot ni John, "Kulang siguro ako sa dasal."

Read also

Priscilla Meirelles, makikipagmeeting na raw sa kanyang abogado

Bilang huling payo ni Lorna, sinabi niya na kailangang huwag mawalan ng paniniwala sa Panginoon upang palaging may gabay sa mga bagay-bagay. Ang kanilang makabuluhang pag-uusap ay nag-iwan ng aral sa mga nanonood tungkol sa kahalagahan ng tamang pag-ibig at pananampalataya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si John Estrada ay isang kilalang aktor, host, at modelo sa Pilipinas. Siya ay naging tanyag sa larangan ng showbiz dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Kilala siya sa kanyang mga papel sa telebisyon at pelikula, pati na rin sa pagiging host ng mga variety at talk shows.

Muling lumikha ng ingay si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles matapos ang kanyang makahulugang komento sa post ng mister niyang si John Estrada. Sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung sino daw kina 'Lena at Marites' ang kasama ni 'Rigor. Sinagot ni Priscilla ito sa pamamagitan ng pagbanggit ng IG handle na Lily Hallman_ kalakip ang isang laughing emoji. Nagkomento pa ito na 'Looking very divorced' daw si John at muli ay kalakip ang IG handle na Lily Hallman_ .

Read also

Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada

Kasunod ng kanyang matapang na komento sa post ni John Estrada, sunod-sunod ang makahulugang mga post ni Priscilla Meirelles. Kasalukuyang nasa ibang bansa sila ng anak niyang si Anechka habang nasa Pilipinas naman si John base sa kanyang pinakahuling Instagram post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: