Pokwang, nagdetalye ng pinagdaanan kay Lee O' Brian: "Binuhusan niya ako ng tubig"

Pokwang, nagdetalye ng pinagdaanan kay Lee O' Brian: "Binuhusan niya ako ng tubig"

- Isiniwalat ni Pokwang ang umano'y matindi niyang painagdaanan sa dating partner

- Marami umano ang handang maging testigo sa mga umano'y nagawa sa kanya ni Lee O'Brian

- Kahit sa panahong ipinagbubuntis niya si Malia, matinding stress ang sinapit niya dahil kay Lee

- Dumating pa umano sa puntong siya ang napilitang umalis sandali sa sarili niyang bahay

Idinetalye ni Pokwang ang ilan sa mga dahilan kung bakit ganoon na lamang ang sama ng loob niya sa dating partner na si Lee O'Brian.

Pokwang, nagdetalye ng pinagdaanan kay Lee O' Brian: "Binuhusan niya ako ng tubig"
Pokwang, nagdetalye ng pinagdaanan kay Lee O' Brian: "Binuhusan niya ako ng tubig" (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Sa kauna-unahang pagkakataon, ikinuwento ni Pokwang ang hindi niya malilimutang nagawa sa kanya ni Lee.

"Binuhusan niya ako ng tubog nun. I was six months pregnant kay Malia. Kasi ito yung tinatawag na microcheating. Sa mga hindi nakakaalam ha, this is red flag. Nakita ko siya nag-like du'n sa isang babae na halos nakahubad na. E syempre we're both following each other 'di ba? So lumabas sa timeline ko na liked by him. Bakit niya ni-like 'to? Sino 'tong girl na 'to. So tiningnan ko yung account nung babae sa Instagram. Oh my God! Araw-araw na ginawa ng Diyos na halos nakahubad na yung babae, taga- Aklan e. Lagi siyang naka-like," pagsisiwalat ni Pokwang.

Read also

Pokwang, isiniwalat na ayaw ni Lee ang pagbubuntis noon: "Galit na galit siya"

"That was 10am ng umaga. 6 months ako kay Malia. Natutulog ako ng hapon, nap time. Bigla siyang pumasok sa kwarto. Binuhusan niya ako ng tubig. As in binuhusan niya ako ng tubig, basang-basa 'yung kama. Pinagmumura niya ako... Kasi siguro sumama yung loob niya kasi nabuking ko siya," emosyonal na pagbabalik-tanaw ni Pokwang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Tapos dinuro-duro niya ako habang nakahiga ako sa kama. Ayan ah, hindi ko nilabas 'yan, ngayon lang. Kaya isa ito sa mga VAWC na isasampa ko sa kanya. 'Pag bumalik 'yan sa Pilipinas, VAWC 'yan e," giit pa niya.

Sa nangyari, siya pa ang umalis kahit sarili niya iyong tahanan.

"Maselan ang pagbubuntis ko nun. Anong edad ko noon, 45. Nakakatawa, bahay ko 'yun di ba? Ako ang lumayas teh. 3 days akong nag-stay sa isang hotel diyan sa overlooking sa Cloud 9. Doon ako nag-stay kumuha ako ng kwarto."

Read also

Julia Montes, emosyonal nang sabihin gaano ka-special ang bagong proyekto

Sa kasamaang palad, hindi raw siya hinanap ni Lee ayon sa iba nilang mga kasama sa bahay.

"Ilang beses akong nagbi-bleed dahil sa stress. Ilang beses na muntik malaglag si Malia," ani Pokwang na handa umanong tumestigo ang kanyang doktor sa pangayayaring ito.

Itinago niya ang lahat ng pangyayaring ito sa pag-aakalang maisasalba pa umano ang kanilang relasyon.

"Siya pala lumalandi na. Nakita ko 'yung mga text. Nagbreakdown ako. Tina-try ko na maayos kami, Tina-try ko pa na masalba para kay Malia. Pero ako lang pala ang nag-eeffort. Siguro hinihintay lang niya talaga na magalit ako. Mapalayas ko siya para nga naman ako ang magmukhang kontrabida."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Pokwang o Marietta Subong ay isa sa kilalang komedyante sa Pilipinas. Bukod dito, labis siyang hinahangaan dahil sa kanyang cooking skills. Katunayan, mayroon na siyang sariling cooking show ang Kusina ni Mamang kung saan old style na pagluluto ang kanyang ipinakikita kaya naman marami ang naaaliw na makita muli ang tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto.

Read also

Suspended Mayor Alice Guo, muling iginiit ang kanyang pagiging Pilipino

Sa naging panayam sa kanya noon ni Karen Davila, hindi naiwasang maglabas ng saloobin si Pokwang sa mga umano'y bashers niya na kapwa babae pa naman niya.

Matatandaan sa Showbiz Update channel ni Ogie, naibahagi ni Pokwang na hindi umano ibinigay ni Lee sa kanilang mag-ina ang unang YouTube channel ng kanila noong pamilya. Mayroon na itong kalahating milyong subscribers. Hiling noon ni Pokwang na dahil hindi umano nagsusustento si Lee, sana'y ipinaubaya na lamang nito ang naturang YouTube channel para nalang sana sa kanilang anak na si Malia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica