Rendon Labador, sa mga balitang naiuugnay sa kanya: "Lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko"

Rendon Labador, sa mga balitang naiuugnay sa kanya: "Lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko"

- Naglabas ng saloobin si Rendon Labador ukol sa mga isyung kinaharap niya

- Ibinahagi rin niya ang kanyang mga umano'y napagtanto sa mga bagay na ito

- Matatandaang bahagi na ngayon si Rendon ng Team Malakas ni Rosmar Tan

- Doon, hinikayat siya ni Rosmar na piliing tumulong at magbahagi ng kanilang biyaya sa mga taong nangangailangan

Nabigyang pagkakataon sina Rosmar Tan at Rendon Labador na magdetalye ng kanilang saloobin ukol sa kabi-kabilang mga isyu na kinaharap nila.

Rendon Labador, sa mga balitang naiuugnay sa kanya: "Lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko"
Rendon Labador, sa mga balitang naiuugnay sa kanya: "Lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Sa YouTube channel ni Ogie Diaz, nagpaunlak ng panayam ang dalawa at isa sa mga nabanggit ni Rendon ay ang kanya umanong napagtanto sa mga nangyayaring ito bilang isang motivational speaker at content creator.

"Na-realize ko po kasi sa mga tao dito sa Pilipinas na walang taong gustong ikuwento 'yung mga kabutihang ginagawa mo sa kanila. Mas gusto lang nilang sabihin or ipagkalat kapag nagkamali ka. So isa yun sa mga natutunan ko," saad ni Rendon.

Read also

Rosmar sa pagsama kay Rendon sa Team Malakas: "Nakikita ko kasi 'yung kabutihan ni Kuya Rendon"

"Walang isang isyu na mababasa mo na may mabuti akong ginawa. lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko,"giit pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit ito umano ang nakitang dahilan ni Rosmar na mahikayat si Rendon sa sumama sa kanyang team. Doon, sila ay sama-samang tumutulong sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Sa kabila ng naging pagsubok sa unang charity event na kanilang ginawa, patuloy pa rin daw nilang gagawin ang personal na pag-aabot ng tulong sa kapwa Pilipino.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila ni Ogie Diaz:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Read also

Brilliant Skin CEO, naikwentong minsan niyang naranasang 'magbakal-bote'

Kabi-kabila ang isyu na umano'y binigyang opinyon ni Rendon. Mula sa naging isyu noon nina Moira Dela Torre at dating asawa nitong si Jason, pambabatikos kay Michael V hanggang sa pagiging host ni Paolo Contis sa Eat Bulaga ay kanyang nabigyang komento.

Matatandaang bago pa sila maging Team Malakas, isa si Rendon sa tila pumuna sa naging rebelasyon ni Rosmar na siya ay kaya umanong kumita ng Php13 million sa loob lang ng isang araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica