Jed Madela, nagsalita tungkol sa paratang ng ex-manager

Jed Madela, nagsalita tungkol sa paratang ng ex-manager

- Nagsalita si Jed Madela tungkol sa paratang ng kanyang ex-manager at nais niyang ayusin ito nang pribado

- Nilinaw ni Jed na hindi siya ang nagsulat ng kantang "Wish U The Worst" at wala siyang pinatatamaan sa lyrics nito

- Pinasalamatan niya ang kanyang dating manager na si Tita Annie sa pagpapasimula ng kanyang karera sa showbiz

- Umaasa si Jed na magiging maayos ang lahat at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatawad

Sa isang panayam ng ABS-CBN kay Jed Madela, ipinahayag niya ang kanyang pagnanais na ayusin ang anumang problema sa pribadong paraan. Ayon sa kanya, "It’s a family matter, and we’re trying to deal with it privately."

Jed Madela, nagsalita tungkol sa paratang ng ex-manager
Jed Madela, nagsalita tungkol sa paratang ng ex-manager
Source: Facebook

Tungkol naman sa kanyang kantang "Wish U The Worst," nilinaw ni Jed na hindi siya ang nagsulat nito at wala siyang pinatatamaan sa mga lyrics. Sinabi niya na si Kio Priest ang sumulat ng kanta at na-shock siya sa reaksiyon ng kanyang dating manager.

Read also

Lalaking may utang daw kay Yitzhak Cohen, iniuugnay sa pagpaslang sa magkasintahan

"I didn’t write the song. It was written by Kio Priest. It just so happened that it was offered to me, I wanted a new sound," ani Jed. Dagdag pa niya, "Ni-record ko siya, you have to go with the flow of how things are now. It just so happened na it got caught in the middle. It’s a song."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinahayag din ng singer ang kanyang pasasalamat sa kanyang dating manager na si Tita Annie, na nagpasimula ng kanyang karera sa showbiz. "I never stopped saying na I am grateful. Sila naman ang nagsimula (ng career ko). They started my career, Tita Annie brought me to Manila. She helped me get into showbiz," ani Jed.

Paliwanag pa niya, "It was, we were a team. In time kasi, we all have to grow. Kami, we have different priorities now. Sila, they’re focused on WCOPA (World Championship of Performing Arts). Ako, I’m focused on a new chapter in my life doing something different naman."

Read also

Josh Mojica, muling sinagot ang "diskarte o diploma?"

Sa huli, ipinahayag ni Jed ang kanyang pag-asa na magiging maayos din ang lahat. "I guess things just have to happen, but I do hope things get better. That was the message of my final song (sa nakaraang concert sa Music Museum), that all will be alright in time, if we learn to forgive," ani Jed.

Si Jed ay unang nakilala nang manalo siya ng grand champion sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) noong 2005, kung saan siya ang kauna-unahang Pilipinong nagwagi ng titulong ito. Bukod sa kanyang tagumpay sa WCOPA, nakapaglabas na rin siya ng maraming album at nakapagtanghal sa iba't ibang konsiyerto sa loob at labas ng bansa.

Inamin ni Jed Madela sa isang panayam kay Toni Gonzaga na dumating siya sa puntong naisip niyang itigil na ang pagkanta noong 2021. Ayon sa mang-aawit, naramdaman niyang hindi na siya masaya sa paraan ng pagtrato sa kanya ng industriya.

Read also

Direk Lauren Dyogi, may pakiusap sa mga Blooms kaugnay sa viral incident nina Maloi at Aiah

Isang video ni Angeline Quinto na kamakailang pumasok nang mali sa entablado habang nagpe-perform sina Jed Madela at Klarisse de Guzman ay kumalat nang viral. Sa Twitter, sinabi ni Jed na natatawa siya sa pangyayaring ito at sarcastically na sinabi na tanging ang mga bashers ang perpekto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate