BINI Aiah, nagpaliwanag naunang pahayag ukol kaugnay sa pakikisalamuha sa fans
- Nagbigay-linaw si BINI Aiah sa social media tungkol sa kanyang pahayag ukol sa pakikisalamuha sa mga tagahanga
- Sinabi ni Aiah na natutuwa siyang tugunan ang mga hiling ng fans ngunit may mga pagkakataon na kinakailangan ang privacy lalo na sa mga personal na oras
- Binanggit niya ang ilang insidente ng hindi akma na pag-uugali, kabilang na ang paghingi ng litrato sa ospital nang walang pahintulot
- Nanawagan ang BINI management at Star Magic ng respeto para sa girl group, hinihiling ang pag-unawa at paggalang sa kanilang personal na oras at personal space
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbahagi sa social media si Aiah, miyembro ng BINI, upang linawin ang kanyang naunang pahayag ukol sa pakikisalamuha sa mga tagahanga.
Sa X, ipinahayag niya na natutuwa siya sa pagtugon sa mga hiling ng fans, ngunit may mga partikular na sitwasyon na kinakailangan ang personal space. Ipinunto niya na wala siyang problema sa pagkuha ng litrato ngunit may mga pagkakataon na ang personal na oras ay kinakailangan hindi lamang para sa kanya kundi para sa lahat.
Humingi siya ng paumanhin sa paghingi niya ng kaunting privacy, ngunit ipinahayag din niya na kapag ang mga kaibigan ay nasa ospital, mahirap ngumiti at isipin na okay lang ang lahat.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi rin ni Aiah ang tweet ng isang kaibigan na nagsabing siya ay dinisrespeto ng hindi tama at nagdetalye ng ilang halimbawa ng hindi propesyonal na pag-uugali, kabilang na ang insidente kung saan ang isang nurse ay humiling ng litrato sa ospital.
Noong nakaraang Linggo, Hulyo 7, naglabas ng pahayag si Aiah ukol sa isang hindi komportableng karanasan sa isang lalaki, na kinilalang si AJ Fernan, sa isang bar sa Cebu.
Sinabi ni Aiah na pumunta siya sa Cebu upang magpahinga at mag-enjoy kasama ang pamilya at mga kaibigan, ngunit may mga pagkakataon na hindi nauunawaan ng ibang tao ang pangangailangan ng privacy at personal na oras.
Naglabas din ng pahayag ang manager ng BINI na si Laurenti Dyogi at ang Star Magic na nananawagan ng respeto para sa girl group ng bansa.
Ang BINI ay isang Filipino girl group na binuo ng Star Hunt Academy sa ilalim ng ABS-CBN. Ang grupo ay binubuo ng walong miyembro: Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena. Sila ay unang nakilala sa pamamagitan ng kanilang debut single na "Born to Win" noong 2021.
Tinalakay ni Xian Gaza ang mga miyembro ng girl group na BINI sa isang open letter. Ipinost niya ito sa kanyang Facebook account, at nakakuha ng atensyon. Gayundin, binigyang-diin ni Xian ang mga responsibilidad ng pagiging isang public figure at ang pangangailangang mag-adjust sa kanilang bagong katayuan.
Trending si Xian Gaza kasunod ng kanyang open letter para sa BINI kamakailan. Sa kanyang panibagong post, nagbigay siya ng paalala sa mga taong gustong mag-artista - Aniya, kung ayaw na pinagkakaguluhan ay huwag na mag-aartista .
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh