Diana Zubiri, binalikan ang nangyari sa EDSA flyover photoshoot noong 2002

Diana Zubiri, binalikan ang nangyari sa EDSA flyover photoshoot noong 2002

- Inalala ni Diana Zubiri ang naganap sa kontrobersyal niyang EDSA flyover photoshoot noon

- Matatandaang ito ay para sa cover ng isang men's magazine noong 2002

- Naging agaw-eksena ito gayung napabalitang naging sanhi umano siya ng traffic

- Pinabulaanan ito ni Diana at naikwento ang mga sumunod na nangyari paano ito na-publish matapos ang kontrobersiya

Binalikan ni Diana Zubiri ang mga nangyari sa kanyang kontrobersyal na EDSA flyover photoshoot, nasa 22 taon na ang nakalipas.

Diana Zubiri, binalikan ang nangyari sa EDSA flyover photoshoot noon
Diana Zubiri, binalikan ang nangyari sa EDSA flyover photoshoot noon (Diana Zubiri)
Source: Facebook

Sa YouTube channel ni Boss Toyo, kung saan nagawang ibenta ni Diana ang ilan sa mga magazines at album na siya ang cover, nilahad niya ang mga kwento kaugnay nito.

"Noong nag-shoot ako rito naka-b*kini talaga ako. Noong nagalit sila at nagkaroon ng issue, hindi ko raw pwedeng ilabas yung totoong suot ko. So in-edit nila. Naka-b*kini talaga ako," pagbabalik-tanaw ni Diana.

Read also

Josh Mojica, muling sinagot ang "diskarte o diploma?"

"Hindi puwedeng ilabas kasi makukulong ako. Nagkaroon kami ng hearing noon. So nag-public apology kami. 'Yung magazine also. So hindi nila nilabas yung nag-cause ng traffic. Pero hindi naman masyado," paliwanag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, hindi pa siya kilalang personalidad noon kaya naman kaya't hindi naman daw siya pinagkaguluhan. Marahil, nagulat lamang ang mga dumadaan na mayroong photoshoot sa lugar.

Gayunpaman, nai-publish pa rin ang naturang men's magazine sa kondisyon na edited na lamang ang suot ni Diana.

Narito ang kabuuan ng kanyang nailahad mula sa Boss Toyo Productions YouTube:

Si Diana Zubiri ay dating aktres sa Pilipinas na ang totoong pangalan ay Rosemarie Joy Garcia-Smith. Bukod sa mga pelikula ay nakilala siya bilang si Danaya na isa sa mga Sanggre sa Encantadia.

Makalipas ang apat na taon, nakauwi na muli si Diana sa Pilipinas mula sa Australia kung saan sila naglalagi ng kanyang pamilya. Doon, kasama niya ang asawang si Andy Smith at kanilang tatlong anak.

Read also

Josh Mojica, sa mga nag-aakusang yumabang na siya: "kasi po more on real talk"

Sa kanyang mga bagong vlog sa kanyang YouTube channel, naikwernto ni Diana ang ilang detalye tungkol sa pagbabalik nila sa Pilipinas. Ilan dito ay ang pagsurpresa nila sa kanilang pamilya at mga kaibigan na hindi talaga inaasahan ang kanilang pagbabalik. Matatandaang naging panauhin si Diana ng It's Showtime kung saan nakasama din niya ang orihinal na mga Sangre' na sina Karylle, Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
iiq_pixel