Daddy ni Zeinab kay Ray Parks Jr.: "I know you are the right man"

Daddy ni Zeinab kay Ray Parks Jr.: "I know you are the right man"

- Emosyonal ang ama ni Zeinab Harake sa engagement ng kanyang anak

- Buong puso nitong inihabilin ang anak na si Zeinab kay Ray Parks Jr. na ngayo'y fiancé na nito

- Ipinakita rin ang pagsasabi ni Ray sa daddy ni Zeinab na sobrang saya dahil alam niyang ito na ang para sa kanyang anak

- Matatandaang sa mga naunang vlog ni Zeinab, puring-puri na si Ray ng kanya na palang magiging soon to be daddy

Umaapaw ang emosyon sa engagement nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr.

Daddy ni Zeinab kay Ray Parks Jr.: "I know you are the right man"
Daddy ni Zeinab kay Ray Parks Jr.: "I know you are the right man" (Zeinab Harake YouTube)
Source: Youtube

Lalong-lalo na ang ama ni Zeinab na labis na malapit sa kanyang anak.

Sa bagong video ni Zeinab sa kanyang YouTube channel, ipinakita kung paano pinaghandaan ni Daddy Ray ang nasabing proposal bago niya mapasagot ng 'yes' ang kanyang 'Bel' na pinaiksi umanong "Beloved."

Makikita kung paanong masinsinan na kinausap ni Ray ang ama ni Zeinab na isa sa mga unang nakakita ng mga singsing para sa kanyang Bel.

Read also

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging sa mismong engagemenrt, hindi mapigil ang luha ng ama ni Zeinab na umaapaw ang tiwala kay Ray at alam niyang ito na ang para sa kanyang anak.

"I know you are the right man," at niyakap pa muli si Ray. Makikita rin ang saya ni Zeinab sa tagpong ito.

Narito ang kabuuan ng bonggang engagement nina Zeinab Harake at Ray Parks Jr.:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber content creators sa bansa na mayroon nang 14.1 million subscribers sa kanyang channel. Isa sa malaking break ni Zeinab noong taong 2023 ay ang pagkakaroon ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang "Kampon" na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at Beauty Gonzales.

Samantala, patuloy na kinagigiliwan ang mga vlogs ni Zeinab lalo na kung kasama niya ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia. Gayundin ang kanyang boyfriend na si Ray Parks Jr. na hayagang ipinakikita kung gaano kahalaga si Zeinab at mga anak nito sa kanya.

Read also

Zeinab, engaged na kay Ray Parks: "Hindi 'to birthday ni Donna"

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby Ray Parks Jr. na tinatawag din nilang 'Daddy Ray' ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica