Direk Lauren Dyogi, may pakiusap sa mga Blooms kaugnay sa viral incident nina Maloi at Aiah
- Naglabas na ng pahayag ang si ABS-CBN executive Lauren Dyogi ukol sa naganap sa ilang BINI members
- Ito ay matapos ang matagumpay na 3-day concert ng grupo kamakailan
- Aniya, nagkaroon ng pagkakataong makapagpahinga ang grupo at makasama ang kani-kanilang pamilya
- Subalit, dalawa sa kanila ang napabalitang tila di na-enjoy ang ilang araw ng pahingang ito dahil sa mga di kagandahang pangyayari
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng pahayag ang isa sa mga ABS-CBN executives, Direk Lauren Dyogi kaugnay sa nag-viral na video tungkol sa BINI members na sina Maloi Ricalde at Aiah Arceta.
Ilang video ang lumabas kung saan hindi na halos nakakain si BINI Maloi kasama ang pamilya nang unti-unting dumami ang taong magpa-picture sa kanya habang sila ay nasa isang restaurant.
Kahanga-hangang nagawa pang pagbigyan ni Maloi ang mga fans na ito na lumapit sa kanya.
Sa isang bar sa Cebu nagtungo si BINI Aiah kasama ang sinasabing ilang kaibigan nang biglang isa sa mga lalaking nasa loob nito ang halos mapasubsob na sa mukha ni Aiah ang mukha nito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi ito pinalampas ng management ng ABS-CBN at Star Magic at nakiusap sa publiko lalo na sa ilang fans ng grupong BINI.
"I was able to see some very disturbing videos. Some of the members didn't seem to enjoy their break from the very stressful 3-night concert," panimula ni Direk Lauren.
"They went to a public place because they wanted to unwind and spend some time with their families. Unfortunately, naka-experience po sila ng hindi magaganda," dagdag pa niya.
Nangangahulugang maging sila ay naalarma sa mga napanood na video kaugnay nito online.
"Tao rin po sila kailangan din nila makisalamuha sa ibang tao," pagbibigay diin ni Direk Lauren na sana'y irespeto umano ang privacy ng grupo lalo na at ang mga oras na iyon ay bahagi ng kanilang pahinga bago sumabak muli sa mga shows nila ngayong buwan.
Gayunpaman, pinasalamatan din ni Direk Lauren ang lahat ng Blooms na nakisaya sa 3-day concert ng grupo.
Ang BINI ay isang popular na Pinoy Pop girl group sa Pilipinas. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.
Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.
Isa sa mga maituturing na fan ng grupo ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina. Minsang naibahagi ni Direk Lauren Dyogi ang video ng pagkikita nina Sarina at kanyang paboritong PPop group. Sa kalalabas na video ni Sarina, hiniling nitong mapanood ang concert ng BINI subalit 7-anyos pataas lamang ang pwedeng dumalo. Kaya namang tuwang-tuwa siya nang makita ang mga ito sa isang event sa Makati.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh