BINI Colet, viral nang ikuwento ang tungkol sa 'poster' ni Nadine na nais bilhin noon

BINI Colet, viral nang ikuwento ang tungkol sa 'poster' ni Nadine na nais bilhin noon

- Nag-viral ang short clip ni BINI Colet tungkol sa umano'y poster ni Nadine Lustre

-Bahagi umano ito ng naging concert nila kamakaila sa New Frontier Theater

- Aliw na aliw ang marami sa nasabing ito ni Colet kaya't kapansin-pansin ang mga hiyawan ng nanonood

- Si Colet ay bahagi ng popular na PPop group ngayon, ang BINI

Kinagiliwan ng marami ang makulit na video clip ni BINI Colet Vergara na bahagi ng katatapos lamang nilang solo concert sa New Frontier Theater.

BINI Colet, viral nang ikwento ang tungkol sa 'poster' ni Nadine na nais bilhin noon
BINI Colet, viral nang ikwento ang tungkol sa 'poster' ni Nadine na nais bilhin noon (Bini Colet Vergara)
Source: Facebook

Isang bahagi ng kanilang matagumpay na show ang isa isa nilang pagkikwento at labis nga umanong hiniyawan ng marami ang nasabi ni Colet tungkol sa umano'y poster ni Nadine Lustre na pangarap lamang niyang bilhin noon.

"Ako pangarap kong bumili ng poster ni miss nadine so tinanong ko, magkano po? Sabi niya, ay hindi po yan poster, salamin po 'yan!"

Read also

Team Malakas ni Rosmar, sinurpresa ang inang may 15 na mga anak sa Tondo

Marami ang nagbahagi ng naturang clip at isa na nga rito ang TikTok user na si @bini_mikha850

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang marami nang nakapagsasabi na magkahawig ang dalawa.

Lalo na nang magkaroon ng pagkakataong magkaroon si Colet ng larawan kasama si Nadine noong nakaraang taon.

Samantala, narito ang kabuuan ng video clip na sinang-ayunan naman ng marami.

Ang BINI ay isang popular na Pinoy Pop girl group sa Pilipinas. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Read also

Vlogger, pinaniniwalaang pumanaw matapos gawin ang pinakahuling mukbang

Isa sa mga maituturing na fan ng grupo ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina. Minsang naibahagi ni Direk Lauren Dyogi ang video ng pagkikita nina Sarina at kanyang paboritong PPop group. Sa kalalabas na video ni Sarina, hiniling nitong mapanood ang concert ng BINI subalit 7-anyos pataas lamang ang pwedeng dumalo. Kaya namang tuwang-tuwa siya nang makita ang mga ito sa isang event sa Makati.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica