Xian Gaza, ibinida ang Songkran Festival sa Thailand

Xian Gaza, ibinida ang Songkran Festival sa Thailand

- Ibinida ni Xian Gaza ang karanasan niya sa Songkran Festival sa Thailand at inilarawan ang respeto at disiplina ng mga Thai at dayuhan

- Binanggit niya na hindi isinasali sa basaan ang mga walang water gun bilang paggalang sa kanila

- Sinabi ni Xian na ang karakter at magandang asal ng isang tao ang tunay na sukatan sa festival na ito

- Pinunto niya na ang mga ganitong asal ay basic values at common sense na dapat alam ng lahat

Ibinida ni Xian Gaza ang kanyang karanasan sa Songkran Festival sa Thailand, na kilala bilang isang malaking pagdiriwang ng kasiyahan at basaan. Sa isang detalyadong post, inilarawan ni Xian kung paano ipinakita ng mga Thai at mga dayuhang kalahok ang mataas na antas ng respeto at disiplina sa isa't isa.

Xian Gaza, ibinida ang Songkran Festival sa Thailand
Xian Gaza, ibinida ang Songkran Festival sa Thailand
Source: Facebook

Ayon kay Xian, isang mahalagang aspeto ng festival ay ang hindi pagsali sa basaan ng mga taong walang water gun, bilang tanda ng paggalang sa kanila.

Read also

Team Malakas ni Rosmar, sinurpresa ang inang may 15 na mga anak sa Tondo

Pahayag ni Xian, hindi nila isinasali sa basaan ang mga taong walang water gun dahil marunong rumespeto ang mga Thai people at pati na rin ang mga dayuhang nakikisali sa festival.

Idinagdag pa niya na sa kabila ng kasiyahan at aktibidad ng basaan, ang karakter ng isang tao ang tunay na sukatan ng kanilang asal. Binanggit niya na ang taong may class at magandang breeding ay hindi mang-aabala o mamemerwisyo ng ibang tao na dumadaan lamang at walang water gun.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang post, ipinunto rin ni Xian na ang mga ganitong asal ay basic values at common sense na dapat alam ng lahat. Aniya, hindi dapat magpahayag ng kawalang-galang sa iba, maliban na lamang kung ang isang tao ay may "utak-squammy."

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Read also

Fast food employee, viral sa kakaibang tulong sa matandang humingi lang ng tubig

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel