Lie Reposposa, nagbahagi ng health update matapos tamaan ng TB

Lie Reposposa, nagbahagi ng health update matapos tamaan ng TB

- Nagbahagi ng update si Lie Reposposa tungkol sa kanyang kalusugan matapos niyang magkasakit

- Sa isang video niya kasi ay ang payat daw niya kaya marami ang nagtanong tungkol sa kanyang sakit

- Aniya, isang buwan na siyang umiinom ng gamot para gumaling siya sa sakit niyang TB

- Nadagdagan na daw ng tatlong kilo ang kanyang timbang dahil bumalik na ang gana niya sa pagkain

Nagbahagi ng update si Lie Reposposa tungkol sa kanyang kalusugan matapos siyang magkasakit. Sa isang video na ibinahagi niya, maraming napansin ang kanyang kapayatan kaya't nagtanong ang kanyang mga tagahanga tungkol sa kanyang kondisyon. Ayon kay Lie, isang buwan na siyang umiinom ng gamot para gumaling mula sa sakit niyang Tuberculosis (TB).

Lie Reposposa, nagbahagi ng health update matapos tamaan ng TB
Lie Reposposa, nagbahagi ng health update matapos tamaan ng TB
Source: Facebook

Ikinagalak din ni Lie na ibahagi na nadagdagan na ng tatlong kilo ang kanyang timbang dahil bumalik na ang kanyang gana sa pagkain. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Lie na nakakahawa talaga ang TB kaya gumagamit siya ng sariling kubyertos para hindi makahawa sa iba. Dagdag pa niya, nahawaan lamang din siya ng sakit.

Read also

Karla Estrada, nilinaw na hindi siya napikon: "May karapatan din akong maumay"

Patuloy ang kanyang pag-inom ng gamot at pag-iingat upang tuluyang gumaling. Buo ang suporta ng kanyang mga tagahanga at mga mahal sa buhay para sa kanyang mabilis na paggaling.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Nabahala si Lie sa labis na paglalagas ng kanyang buhok at humingi ng payo mula sa netizens. Ibinahagi ni Lie na kita na ang kanyang anit at pinag-iisipan na niyang magpakalbo dahil sa sitwasyon. Hindi na raw niya alam kung normal pa ang dami ng buhok na nalalagas tuwing siya ay magsuklay. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpahayag si Lie na patuloy siyang lumalaban sa gitna ng kanyang pagkakasakit.

Ipinakita ni Lie ang larawan na ini-upload ng isang basher mula sa ibang bansa na may edited na mukha. Nakasaad sa caption ng post ang malisyosong mensahe na kapag isinalin sa English ay, “How are you going to ruin genetics like that, so fat." Sinabi ni Angelie na edited ang kanyang mukha sa larawan at hindi ito tunay. Nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang insidenteng ito at nagpahayag si Angelie ng kanyang pagkadismaya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel