Jake Ejercito, sumagot sa babaeng nanaginip daw na nabuntis niya: "Labas po ako diyan"

Jake Ejercito, sumagot sa babaeng nanaginip daw na nabuntis niya: "Labas po ako diyan"

- Kinaaliwan ang post ni Jake Ejercito kalakip ng isang post ng netizen na nagbabahagi ng kanyang panaginip

- Napanaginipan daw niyang nabuntis siya ni Jake Ejercito at palaging artista ang kanyang napapanaginipan

- Pabiro naman itong sinagot ni Jake kung saan sinabi niyang labas siya sa problema ng nagpost at aniya ay tahimik ang kanyang buhay

- Marami ang natawa at pabiro ding nagkomento na magkakaroon na ng kapatid si Ellie, ang anak ni Jake sa dating karelasyon niyang si Andi Eigenmann

Kinaaliwan ang pabirong sagot ni Jake Ejercito sa isang netizen na nagbahagi ng kanyang kakaibang panaginip. Sa post ng netizen, ibinahagi niya na napanaginipan daw niyang nabuntis siya ni Jake Ejercito, isang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz.

Jake Ejercito, sumagot sa babaeng nanaginip daw na nabuntis niya: "Labas po ako diyan"
Jake Ejercito, sumagot sa babaeng nanaginip daw na nabuntis niya: "Labas po ako diyan"
Source: Facebook

Sa kanyang maangas na pagsagot, sinabi ni Jake, "Labas po ako diyan, Ms. Gel! Tahimik po ang buhay ko," kalakip ng screenshot ng post ng naturang netizen.

Read also

Claudine Barretto, kinaaliwan sa kanyang 'Thank you so much' video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang kanyang pahayag ay nagdulot ng tawanan at tawa sa online community, kung saan maraming nagpabiro na magkaroon na raw ng bagong kapatid si Ellie, ang anak ni Jake sa kanyang dating kasintahan na si Andi Eigenmann.

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Matatandaang binida ni Jake ang pag-uusap nila ng anak niyang si Ellie Ejercito. Sa kanyang post ay makikita ang nakakaaliw na pag-uusap nilang mag-ama kung saan ilang beses nilang nabanggit ang salitang 'haynaku'. Kaya naman, sa caption ng #JEllieConvos na ito ay nakalagay ang 'unli haynaku' - Muling kinaaliwan ang post na ito ni Jake na umani ng mga komento mula sa mga netizens.

Read also

Dominic Roque, sumagot sa komentong iniwan niya sa ere si Bea Alonzo

Samantala, sinagot ni Jake ang isang netizen na nagkomento sa isang post ng GMA News patungkol sa kanya. Sa komento ng netizen na ito, sinabi niyang tahimik lang si Jake noong panahong binabatikos si Albie Casiño dahil siya ang sinasabing ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann. Sagot naman ni Jake, ang netizen na ito ay nagkokomento nang hindi inaalam ang katotohanan sa pangyayari at mali-mali pa ang spelling. Matatandaang naunang inakala ng publiko na si Albie ang ama ng anak ni Andi na kinalaunan ay napag-alamang anak ni Jak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel