Kris Aquino, uuwi ng Pilipinas matapos ang umano'y kinatatakutang gamutan
- Nagbigay si Kris Aquino ng update sa kanyang kalusugan at pinagdaraanang gamutan
- Nabanggit din niya ang balak na pagbabalik sa Pilipinas ngayong taon
- Idinetalye niya ang gagawin sa kanyang gamutan bago ito, at labis niya umano itong kinatatakutan
- Samantala, nabanggit din niya sa naturang interview ang tungkol sa natapos na relasyon nila ni Mark Leviste
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Idinetalye ni Kris Aquino ang update sa kanyang kalusugan at iba pa umanong kaganapan sa kanyang buhay sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
Nagpaunlak ito ng interview kasama ang kanyang anak na si Bimby at doon, nasabi ni Kris ang balak niyang pag-uwi sa Pilipinas.
"Thank you sa lahat ng mga nagdadasal for me pero ayokong pabigatin ang dala nila. Let's keep it na positive na yes, gumagaling ako pero as I told you earlier, may natamaan na blood vessels. So, kailangan ko pang magpalakas. Because you're you and I love you so I can reveal to everybody na hopefully sa last quarter ng taon, bago mag-Pasko, I'll be back in the Philippines."
Gayunpaman, nakasalalay pa rin ang kanyang pagbabalik bansa sa kalalabasan ng mga test na gagawin sa kanya. Isa umano ito sa kanyang kinatatakutan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"It just really depends kasi may pagdadanan akong mga test. Isa 'dun yung MRI with contrast dye. 'Dun ako natatakot. 'Yun yung test na hihiga ka, papasok ka tapos pero parang malaking machine na ga'nun tapos maingay siya kahit bigyan ka ng noise cancellation maririnig mo pa rin. And that's close to an hour. Merong isu-shoot sayo tapos may kulay yung dye, sa buong katawan mo dadaan yan."
"May fear ako kasi the last time I had that done was way back 2019. E ang mga allergy nag-e-evolve. In-assure naman ako na kaya ko daw, na-survive ko 'yun bago kami umalis ng Pilipinas so that would be 2022 nkapag-pet scan na ako, yun yung para malaman kung may cancer ka. Fear ako dun and kinaya ko naman yung in-inject sa akin nung panahon na yun."
"Pag-clear yun at kinaya, then pwede nang ituloy sa Pilipinas 'yung treatment sa'kin"
Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie Diaz kay Kris Aquino mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte. Maituturing si Kris na isa sa pinakamahusay na talk show host dahilan para siya'y bansagan na Queen of all Media ng Pilipinas.
Matatandaang sa kanyang social media post, minsang pinasalamatan ni Kris ang kaibigang sumama sa mga anak na sina Josh at Bimby sa pagpunta ng mga ito sa Disneyland. Tila hindi na ito magawa ni Kris na samahan sa ngayon dahil sa patuloy niyang gamutan.
Sa isang episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, nabanggit niyang marami umanong mga faith healers ang kumokontak sa kanya at nais na makatulong umano sa kalagayan ni Kris Aquino. Gayunpaman, sinabi ni Ogie na mas lamang pa rin umano ang direktang pananampalataya ni Kris at nagtitiwala umano sa gamutang isinasagawa sa kanya ngayon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh