Claudine Barretto, kinaaliwan sa kanyang 'Thank you so much' video

Claudine Barretto, kinaaliwan sa kanyang 'Thank you so much' video

- Kinaaliwan si Claudine Barretto matapos niyang mag-post ng video kasama ang kanyang "Home Along Da Riles" family

- Sa naturang video ay game na sinakyan ni Claudine ang biro-biro online tungkol sa kanyang pagpapasalamat sa mga sponsors niya

- Dahil sa malimit niyang pagbabahagi ng video kung saan nagpapasalamat siya ay nabuo ang mga memes kaugnay dito

- May mga nagbansag pa sa kanya na "Patron Saint of Gratitude"

Kinaaliwan ng marami si Claudine Barretto matapos niyang mag-post ng isang video kasama ang kanyang "Home Along Da Riles" family. Sa naturang video, game na sinakyan ni Claudine ang mga biro-biro online tungkol sa kanyang madalas na pagpapasalamat sa mga sponsors niya.

Claudine Barretto, kinaaliwan sa kanyang 'Thank you so much' video
Claudine Barretto, kinaaliwan sa kanyang 'Thank you so much' video
Source: Instagram

Dahil sa malimit niyang pagbabahagi ng mga video na nagpapasalamat siya, nabuo ang iba't ibang memes kaugnay dito. Ang ilan pa nga ay nagbansag sa kanya bilang "Patron Saint of Gratitude."

Read also

Toni Fowler, naghayag ng saloobin sa mga taong nanghusga sa kanya

Ang video na ito ay naghatid ng kasiyahan at tawanan sa mga fans ng aktres at sa mga tagasubaybay ng "Home Along Da Riles." Sa video, makikitang masaya at puno ng energy si Claudine habang kasama ang iba pang cast members ng iconic na sitcom. Ang kanilang reunion ay tila bumalik sa mga alaala ng maraming Pilipino na lumaki sa panonood ng naturang palabas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng kanyang kasikatan, nanatiling grounded si Claudine at ipinapakita ang kanyang pagiging totoo at mabuting puso. Ang kanyang "Thank You So Much" videos ay patunay ng kanyang pagpapahalaga sa lahat ng biyayang natatanggap niya.

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Read also

Kuya Kim, agad raw kinausap si Vice Ganda matapos ang kanyang post na na misinterpret ng mga tao

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate