Denise Julia, umalma sa aniya'y 'foul behavior. ng mga guards sa QC Pride show
- Inalmahan ni Denise Julia ang aniya'y 'fowl behavior' ng mga guwardiya sa QC Pride show
- Hindi natuloy ang kanyang unang Pride show dahil sa masamang panahon
- Inilahad ni Denise Julia ang umano'y pang-iinsulto at panlilibak ng mga guwardiya sa kanyang team
- Nanatiling positibo si Denise Julia at ipinahayag ang pag-asa para sa mas maayos na mga pagtatanghal sa hinaharap
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ng R&B singer na si Denise Julia sa social media ang kanyang pagkadismaya matapos makaranas ng mga hamon sa kanyang unang Pride show na tuluyang naantala dahil sa masamang panahon.
Sa kasamaang palad, ang pinakahihintay na mga production numbers ng mga kilalang personalidad tulad nina Vice Ganda, Gloc-9, Ben&Ben, at BINI ay nakansela nang lumala ang panahon sa gitna ng event.
Sa kanyang social media post, ipinahayag ni Denise Julia ang saloobin.
“We spent countless days preparing for my first ever Pride show. Unfortunately, things didn’t go as planned. The discontinuation of the show was very necessary for everyone’s safety!”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Gayunpaman, sa kabila ng masusing paghahanda at dedikasyon mula sa kanyang team, ang event ay nasira diumano ng mga isyung pang-organisasyon at ang tinukoy niyang "disrespectful" na pagtrato mula sa mga security ng event.
Inilahad din ng artist ang isang insidente na naranasan ng kanyang team sa event sa kanyang X account.
“THESE GUARDS AT THE EVENT CALLED MY DANCERS AND MY SOUND ENGINEER LIARS AND LAUGHED AT THEIR FACE. MOCKED THEM HABANG TATLONG ORAS SILANG NAGMAMAKAAWA SA INYO PARA PAPASUKIN. HINDI NIYO PINAPAPASOK HALOS MAHIMATAY NA SILA,”
Pinaghinanakit ng B.A.D. singer na sa kabila ng kanilang masigasig na paghahanda at dedikasyon, kabilang ang malawakang rehearsals kasama ang malaking grupo ng mga dancers at pakikipagtulungan sa mga bagong pride designers, hindi nila naipakita ang kanilang mga pagsisikap sa entablado.
Ang mga plano para sa mga surprise performances mula sa kanyang mga kaibigan na sina Dom at Awra, pati na rin ang masusing pinaghandaan na dance break, ay naapektuhan din.
Binigyang-diin pa niya ang dedikasyon ng kanyang staff upang "perfect" ang kanyang performance.
Binaha ang post ni Denise Julia ng mga mensahe ng suporta at pagpapalakas ng loob mula sa mga netizen, na pinuri ang kanyang determinasyon sa harap ng mga pagsubok.
Sa kabilang banda, sinabi ni Denise Julia na mananatili siyang committed sa pagpapatuloy ng kanyang musical journey at sa adbokasiya para sa inclusivity at pagtanggap.
Si Denise Julia, na kilala sa kanyang mga sikat na R&B tracks tulad ng NVMD, B.A.D, Lackin’, at Sugar and Spice, ay isa sa mga artistang naka-schedule na magtanghal sa “Love Laban 2 Everyone” Pride event sa Quezon City Memorial Circle noong Sabado, Hunyo 22.
Kamakailan ay binahagi ni Janella Salvador sa social media ang kanyang unang karanasan sa Pride. Ipinahayag niya ang kasiyahan na makita ang lahat na nagdiriwang at masigla, marami ang aktibong nagpoprotesta para sa pantay na karapatan.
Nagbahagi si Vice Ganda ng emosyonal na post tungkol sa kanyang relasyon kay Ion Perez bilang pagdiriwang ng Pride Month. Inilahad niya ang mga hamon na kanilang hinarap noong nagsimula pa lamang ang kanilang relasyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh