Ryan Bang, masayang natupad ang dasal na makasama niya ang mga magulang

Ryan Bang, masayang natupad ang dasal na makasama niya ang mga magulang

- Ryan Bang, masayang ibinahagi ang muling pagsasama ng kanyang mga magulang sa latest vlog niya

- Matagal nang pinangarap ni Ryan na muling magkasama ang kanilang pamilya matapos ang kanilang paghihiwalay noong 2005

- Araw-araw niyang ipinagdasal ang pagkakataong ito, na ngayon ay tinawag niyang "answered prayer"

- Umani ng maraming papuri at suporta ang kanyang post mula sa mga tagahanga at kapwa celebrities

Masayang ibinahagi ni Ryan Bang ang isang espesyal na sandali sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang social media. Matapos ang ilang taon ng panalangin, sa wakas ay natupad na ang kanyang dasal na muling makasama ang kanyang mga magulang.

Ryan Bang, masayang natupad ang dasal na makasama niya ang mga magulang
Ryan Bang, masayang natupad ang dasal na makasama niya ang mga magulang
Source: Instagram

Nacapture ang special moment na ito sa latest vlog ni Ryan, kung saan makikita ang saya at emosyon ng kanilang pagsasama-sama bilang pamilya. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga mukha, lalo na't matagal nang pinapangarap ni Ryan na muling maging buo ang kanilang pamilya kahit sa isang hapunan lang.

Read also

Lie Reposposa, binigyan ng pampuhunan ang kanyang papa para sa kanyang farm

Ang vlog ni Ryan ay agad na nag-viral at umani ng maraming komento mula sa kanyang mga tagahanga at kapwa celebrities. Marami ang nagpaabot ng kanilang pagbati at paghanga sa ipinakitang katatagan at pananampalataya ni Ryan.

Ang kwentong ito ni Ryan Bang ay nagsilbing inspirasyon sa marami, na sa kabila ng mga pagsubok at paghihiwalay, posible pa ring magkaisa ang pamilya sa tamang panahon. Ang kanyang pasasalamat at pananampalataya ay isang magandang paalala na huwag mawalan ng pag-asa, sapagkat may mga dasal na tinutupad sa tamang panahon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalaunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Read also

Toni Fowler, naghayag ng saloobin sa mga taong nanghusga sa kanya

Nakasama ni Ryan ang co-host niya sa It's Showtime na si Cianne Dominguez sa kanyang vlog. Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati. Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It's Showtime ay lagi silang tinutukso. Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho.

Naibahagi ni Ryan Bang sa madlang people na may girlfriend na siya. Nakwento ni Vice Ganda ang ginawa ni Ryan na pagtext sa kanya para ibalita ito. Si Vice Ganda raw ang una niyang sinabihan dahil ani Ryan ay dapat si Vice Ganda ang unang makaalam. Ani Vice Ganda, tinawagan niya si Ryan at naiyak daw ito nang makausap niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate