Lie Reposposa, binigyan ng pampuhunan ang kanyang papa para sa kanyang farm

Lie Reposposa, binigyan ng pampuhunan ang kanyang papa para sa kanyang farm

- Napagpasyahan ni Lie Reposposa na bigyan ng pangpuhunan ang kanyang papa para sa farm nito

- Aniya, deserve naman ng kanyang papa ang binigay niya kaya masaya siya

- May income naman daw siya kaya naisip niyang ibigay ang ayon sa kanya ay kailangan ng kanyang papa

- Abot-abot naman ang pasasalamat ng kanyang papa at walang pagsidlan ang kanyang tuwa

Nagpasya si Lie Reposposa na maglaan ng pangpuhunan para sa farm ng kanyang ama, isang hakbang na nagpapakita ng kanyang pagmamalasakit at suporta sa kanilang pamilya.

Lie Reposposa, binigyan ng pampuhunan ang kanyang papa para sa kanyang farm
Lie Reposposa, binigyan ng pampuhunan ang kanyang papa para sa kanyang farm
Source: Instagram

Sa isang video, ipinaabot ni Lie na ang desisyon na ito ay isang paraan ng pagkilala sa dedikasyon at pagmamahal ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Natanong daw niya ang gusto ng kanyang ama at ito ay ang puhunan sa kanilang farm.

Dagdag pa ni Lie, mayroon naman daw siyang sariling pinagkakakitaan kaya naisip niyang gamitin ang bahagi nito upang suportahan ang papa. "

Read also

Toni Fowler, naghayag ng saloobin sa mga taong nanghusga sa kanya

Napakalaki naman ng pasasalamat ng kanyang ama sa ginawang ito ni Lie, na aniya'y nagpapakita ng malasakit at pagpapahalaga sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Nabahala si Lie sa labis na paglalagas ng kanyang buhok at humingi ng payo mula sa netizens. Ibinahagi ni Lie na kita na ang kanyang anit at pinag-iisipan na niyang magpakalbo dahil sa sitwasyon. Hindi na raw niya alam kung normal pa ang dami ng buhok na nalalagas tuwing siya ay magsuklay. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpahayag si Lie na patuloy siyang lumalaban sa gitna ng kanyang pagkakasakit.

Read also

Dominic Roque, sumagot sa komentong iniwan niya sa ere si Bea Alonzo

Ipinakita ni Lie ang larawan na ini-upload ng isang basher mula sa ibang bansa na may edited na mukha. Nakasaad sa caption ng post ang malisyosong mensahe na kapag isinalin sa English ay, “How are you going to ruin genetics like that, so fat." Sinabi ni Angelie na edited ang kanyang mukha sa larawan at hindi ito tunay. Nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang insidenteng ito at nagpahayag si Angelie ng kanyang pagkadismaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel