Dominic Roque, sumagot sa komentong iniwan niya sa ere si Bea Alonzo

Dominic Roque, sumagot sa komentong iniwan niya sa ere si Bea Alonzo

- Nag-post si Dominic Roque sa kanyang Facebook account ng kanyang mga pictures kamakailan

- Isa sa mga nagkomento ay ang netizen na tinawag siyang cheater at iniwan daw nito si Bea sa ere

- Tila naman nawindang si Dominic sa komentong ito ng naturang netizen kaya siya sumagot

- Matatandaang sinabi kamakailan ni Bea na hindi siya ang nakipag-break sa hiwalayan nila

Sa kanyang post sa Facebook kamakailan, ibinahagi ni Dominic Roque ang ilang mga larawan na agad na nagdulot ng reaksyon mula sa kanyang mga tagasubaybay.

Dominic Roque, sumagot sa komentong iniwan niya sa ere si Bea Alonzo
Dominic Roque, sumagot sa komentong iniwan niya sa ere si Bea Alonzo
Source: Instagram

Isa sa mga nagkomento ay isang netizen na tinawag siyang "cheater" at sinabing iniwan daw niya si Bea Alonzo sa ere. Hindi naglaon, nagpahayag si Dominic ng kanyang saloobin sa komentong ito.

Tila nawindang si Dominic sa mga paratang ng netizen kaya't hindi siya nag-atubiling sumagot. Hindi na siya nagpaliwanag kundi isang "Luhhhhh" ang kanyang sagot kalakip ang tumatawang emoji.

Read also

Kuya Kim, agad raw kinausap si Vice Ganda matapos ang kanyang post na na misinterpret ng mga tao

Dominic Roque, sumagot sa komentong iniwan niya sa ere si Bea Alonzo
Dominic Roque, sumagot sa komentong iniwan niya sa ere si Bea Alonzo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kamakailan, inamin ni Bea Alonzo sa publiko na hindi siya ang nakipag-break sa kanilang relasyon ni Dominic.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Read also

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain. Dagdag pa nito, kahit gaano kayaman ang tao kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki. Sagot naman ni Beatriz ay wala namang something sa character ng kaibigan niyang si Bea.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate