Lovely Abella, pina-cancel ang flight; hindi kinayang malayo sa anak

Lovely Abella, pina-cancel ang flight; hindi kinayang malayo sa anak

- Pinaliban ni Lovely Abella ang biyahe papuntang Hong Kong para sa jewelry show matapos ang trabaho

- Nakaramdam raw ng post-partum depression si Lovely matapos makitang hindi mapatahan si baby Liam habang siya ay nasa Thailand

- Kaya naman nagdesisyon si Lovely na magbigay prayoridad sa pamilya kahit may negosyo upang makasama ang anak

- Nagbigay pugay si Lovely sa mga magulang na nagtatrabaho sa malayo para maitaguyod ang pamilya dahil sa kanilang sakripisyo

Dapat daw sana ay nasa Hong Kong si Lovely Abella para sa isang jewelry show matapos ang kanyang trabaho sa ibang brand. Ngunit, sa kabila ng mga plano, nagpasya siyang ipagpaliban ang kanyang biyahe upang maglaan ng oras para sa kanyang pamilya, partikular na kay baby Liam.

Lovely Abella, pina-cancel ang flight; hindi kinayang malayo sa anak
Lovely Abella, pina-cancel ang flight; hindi kinayang malayo sa anak
Source: Instagram

Sa isang emosyonal na post, ibinahagi ni Lovely ang kanyang pakiramdam ng pagkakaroon ng post-partum depression matapos makitang hindi mapatahan si Liam habang siya ay nasa Thailand. Dahil dito, nagdesisyon siyang manatili sa tabi ng kanyang anak kaysa ituloy ang biyahe para sa negosyo.

Read also

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

"Pag may negosyo ka, kailangan mong mag-sakripisyo," ani Lovely, na nagpapakita ng pagtanggap sa mga hamon ng pagiging magulang at negosyante. Kasama ang suporta ng asawa na may taping para sa bago niyang show, nagkaintindihan silang mag-asawa na bigyang prayoridad ang pangangailangan ni Liam.

Sa kabila ng sakripisyo, masaya si Lovely sa pagiging ina at pinasalamatan ang Panginoon para sa kaligayahan ng kanyang anak na hindi mapapantayan ng anumang materyal na bagay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo. Sa kanilang pag-iisang dibdib ni Benj, tanging ang ina ni Benj ang nakita. May mga naghanap kay Jose sa kasal ng anak ngunit wala silang inilabas na pahayag kaugnay dito.

Read also

Rendon Labador, may panibagong post: "Sana panaginip lang ang lahat"

Sa kanyang Facebook post ay inalala ni Lovely ang mga panahong wala pa silang mga napundar ng kanyang mister na si Benj Manalo. Aniya noong wala pa itong pera, kanin at sabaw lamang ang kanyang kinakain at si Lovely ang pinapakain niya ng manok. Kaya naman, nang mabiyayaan sila ng mas maayos na buhay dahil na rin sa kanilang pagsisikap hindi nila kinakalimutan ang makontento sa kung ano ang meron sila. Pinayuhan niya rin ang mga netizens na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay dahil kung sila nga ay kinayang umahon kahit noon ay walang-wala din umano sila.

Samantala binahagi niya din sa kanyang post ang mga pictures nila kasama ang mister na si Benj at mga kapatid nito na kuha sa kolumbaryo kung saan nila inihatid ang abo ng yumaong dating asawa ni Josie Manalo na si Anna Lyn Manalo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel