Ogie Diaz, may post ukol sa 'fake Jiro' na nais iparating kay Rosmar

Ogie Diaz, may post ukol sa 'fake Jiro' na nais iparating kay Rosmar

- Nakausap umano ni Ogie Diaz si Jiro Manio na may ipinararating na mensahe kay Rosmar

- Sinabi nitong peke ang dumulog kay Rosmar na Jiro na humihingi umano ng trabaho

- Maging kay Ogie Diaz ay nagpadala na rin ng mensahe ang 'fake Jiro' na ito

- Ayon pa kay Ogie, 'wag na umanong asahang hihingi ng dispensa ang pekeng Jiro na ito

Nag-post si Ogie Diaz kaugnay sa naibahagi kamakailan ni Rosmar Tan na nag-message umano sa kanya ang dating child actor na si Jiro Manio.

Ogie Diaz, may post ukol sa 'fake Jiro' na nais iparating kay Rosmar
Ogie Diaz, may post ukol sa 'fake Jiro' na nais iparating kay Rosmar
Source: UGC

Matatandaang sa naturang mensahe, lumapit 'di umano si Jiro at nagtatanong ng maaring maging trabaho para lamang daw may magastos siya sa anak lalo na sa pasukan.

Sa post ni Ogie, nasabi nitong pekeng Jiro Manio umano ang nakausap ni Rosmar.

"Rosmar, fake account po yung kausap nyong Jiro Manio. Kung sino-sino po ang tsina-chat niyan. Baka mabudol ka.

Read also

EXpecially For You searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kausap ko yung totoo, and through us, pakisabi na hindi raw siya yon. Okay ang tumulong, pero wag sa nagpapanggap na nangangailangan."

Ayon pa kay Ogie, maging siya ay napadalhan na rin ng mensahe ng nagpapanggap na Jiro subalit hindi na lamang niya ito pinapansin.

Huwag na rin daw umanong asahan na mag-public apology ang pekeng Jiro at baka pekeng sorry lamang ang maihayag nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Jiro Manio ay dating aktor sa Pilipinas. Lumabas siya sa iba't ibang mga programa at pelikula subalit ang tumatak na karakter sa kanya ay ang pagiging si 'Magnifico.'

Naging bahagi rin si Jiro ng pelikulang Tanging Ina na siyang naging daan upang makilala niya si Ai-ai Delas Alas na siyang tumayong ikalawang ina ni Jiro sa totoong buhay. Matatandaang si Ai-Ai ang nagmalasakit kay Jiro na maipasok sa rehab matapos umano itong matagpuan na pagala-gala sa Ninoy Aquino International Airport noong 2015.

Read also

Bea Alonzo, sinagot ang tanong kung in love siya sa kasalukuyan

Enero ng kasalukuyang taon nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk. Doon nabanggit ni Jiro na hindi umano siya basta-basta makakabalik sa showbiz. Ito ay dahil sa binawalan pa rin daw siya ng kanyang doktor sa rehab. Aniya, patuloy pa rin umano ang pag-inom niya ng gamot sa mga panahong iyon at maari lamang magdulot ng stress kung magiging kabi-kabila na naman ang proyekto niya sa showbiz. Gayunpaman, may ilang tinanggap na proyekto si Jiro tulad ng paglabas sa ilang music video ng bandang Lily.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel