Ruffa Gutierrez, may "violent reaction" sa pagtuntong niya ng edad na 50

Ruffa Gutierrez, may "violent reaction" sa pagtuntong niya ng edad na 50

- May violent reaction umano si Ruffa Gutierrez ngayong 50 anyos na siya

- Isa ito sa natalakay sa panayam sa kanya ni Karen Davila

- Gayunpaman, hindi pa raw nagsi-sink in talaga sa kanya kalahating siglo na raw ang kanyang edad

- Matatandaang minsan na siyang ibinuking ng kaibigang si Karla Estrada na natatakot umanong mag-50 si Ruffa

Talagang napapalirit si Ruffa Gutierrez nang ang bungad sa kanya ni Karen Davila sa kanilang interview ay ang kanyang edad na 50.

Ruffa Gutierrez, may "violent reaction" sa pagtungtong niya ng edad na 50
Ruffa Gutierrez, may "violent reaction" sa pagtungtong niya ng edad na 50 (Ruffa Gutierrez)
Source: Facebook

Kasama ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice, nagkaroon ng pagkakataon si Ruffa na mapag-usapan ang buhay-buhay nilang mag-iina lalo na ngayong 50-anyos na siya sa darating na Hunyo 24.

"Oh my God, that's such a violent reaction, but I'll accept it gracefully," ani Ruffa tungkol sa edad.

"It hasn't really sank in yet. But I'm taking the steps to get there. There are days when I wake up, and I'm like remisnicing about my life. I can't believe I'm half a century years old,"

Read also

Ruffa Gutierrez, naluha sa mensahe ng panganay niyang si Lorin

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"When I was 16, I used to think 25 is old. But now it's a new generation that you really have to own your age. And 50 is actually the new 40 and 40 is the new 30 and everyone's just getting younger. And what's important is we don't look our age," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez na mas kilala sa showbiz name niyang Ruffa Gutierrez ay isang beauty queen/ actress sa Pilipinas. Siya ay anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Tinanghal siya bilang second runner-up ng Miss World noong 1993. Nabiyayaan niya ng dalawang anak na sina, Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawa na si Yilmaz Bektas.

Read also

Creative director at artist na si CJ De Silva, pumanaw na

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ruffa ay ang pinakaabangang serye na Can't buy me love na pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Ginampanan ni Ruffa ang karakter na Gina.

Samantala, sa birthday party ni Marjorie Barretto, ibinuking ni Karla Estrada ang umano'y reaksyon ni Ruffa na 50 taon na ngayong 2024. Ayon kay Karla, minsan siyang tinawagan ni Ruffa para sabihing takot umano itong mag-50.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica